"And he is the head of the body, the church; he is the beginning and the firstborn from among the dead, so that in everything he might have the supremacy." Colossians 1:18
Let’s examine church history with an open heart and align our submission to Christ alone as the ultimate Head of the Church, grounding our faith in Scripture rather than human traditions.
Dito sa Pilipinas, automatic sa atin ang mindset na kapag sinabing "Early Church" o ang orihinal na simbahang itinatag ni Jesus, Roman Catholic Church agad ang sagot natin. Deeply embedded sa kulturang Pinoy ang mataas na tingin sa authority figures at grabe ang loyalty natin sa tradisyon. Submissive tayo sa kung ano ang nakasanayan, kaya kapag narinig natin ang tungkol sa Pope, tingin natin siya talaga ang absolute boss ng buong sangkakristiyanuhan simula pa noong una.
Pero if we look closely at historical facts and early church writings, clear na clear ang isang bagay: ang early church ay hindi ang modernong Roman Catholic Church.
Bakit natin nasabi 'yan? Dahil ang mga unang Kristiyano ay hindi naniniwala sa konsepto ng Papacy, ang ideya na ang Bishop of Rome ang Vicar of Christ sa lupa, na may universal jurisdiction (absolute governing power) over all churches, at may kakayahang magsalita nang infallible (walang pagkakamali) pagdating sa faith and morals.
Dito babagsak o tatayo ang claim ng Rome. Kung talagang pinaniwalaan ng early church ang Papacy gaya ng itinuturo ngayon ng Vatican, then we are all obligated to submit to her. Pero kung mapatunayan nating hindi ganyan ang tingin ng mga unang Kristiyano sa lider ng Rome, ibig sabihin, hindi sila ang orihinal at kailangang maging tapat tayo sa katotohanan.
Clement of Rome and the Illusion of the First Pope
Isa sa pinakamalaking resibo na hawak natin ay ang sulat ni Clement of Rome (na tinatawag ng marami ngayon bilang 4th Pope). Noong late first century, sumulat siya sa mga taga-Corinth para ayusin ang gulo sa pamumuno doon.
Kung titingnan natin ang sulat niya, may dalawang bagay na bumabasag sa modernong Catholic narrative:
Dalawang office lang ang itinatag ng mga apostol: Malinaw na sinabi ni Clement na dalawa lang ang posisyon sa church government: mga bishops at deacons. Naniniwala pa nga siya na ang two-office model na ito ay katuparan ng hula sa Old Testament (sa Aklat ng Isaiah). Kung tatlo ang itinatag ni Jesus (Bishop, Presbyter, at Deacon) gaya ng claim ng Rome ngayon, ibig sabihin magkakamali ang hula na pinaniniwalaan ni Clement.
"Having therefore received their orders, and being fully assured by the resurrection of our Lord Jesus Christ, and established in the word of God, with full assurance of the Holy Ghost, they went forth proclaiming that the kingdom of God was at hand. And thus preaching through countries and cities, they appointed the firstfruits [of their labors], having first proved them by the Spirit, to be bishops and deacons for those who should afterwards believe." (1 Clement 42:4-5, written approximately 96 AD)
"For thus saith the Scripture in a certain place: 'I will appoint their bishops in righteousness, and their deacons in faith.'" (1 Clement 42:5)
Ginamit ni Clement ang Greek LXX version ng verse na ‘to at nag‑interpret para i‑validate yung two‑office structure. He links this appointment to the Old Testament prophecy in Isaiah 60:17)
By saying na ang mga Apostol ay nag‑appoint ng ‘bishops and deacons’ bilang fulfillment ng prophecy, si Clement ay hindi nagbigay ng kahit anong scriptural o historical space para sa isang third, superior office (yung monarchical bishop/Pope) noong time na ‘yon.
Bishops and Presbyters Were One and the Same: Sa 1 Clement 44:1-5, malinaw na pinakita ni Clement na yung mga salitang "bishop" (episkopos) at "presbyter" (presbyteros) ay nagagamit niya nang magkapalit lang. Ibig sabihin, hindi pa sila magkaibang posisyon noong panahong iyon. Ginamit pa nga niya yung terminong ten episkopen (bishopric) para tukuyin yung trabaho ng mga presbyters.
"And our Apostles knew through our Lord Jesus Christ that there would be strife over the name of the office of bishop. For this cause, therefore, having received complete foreknowledge, they appointed the aforesaid persons and subsequently gave them the appointment, that if they should fall asleep, other approved men should succeed to their ministry (ten leitourgian)." 1 Clement 44:1-2
"And they [the Apostles] have offered the gifts in the office of the bishop (ten episkopen) blamelessly and holily." 1 Clement 44:4
"For it will be no light sin for us, if we thrust out of the bishopric (episkopes) those who have offered the gifts blamelessly and holily. Blessed are those presbyters who have gone before..." 1 Clement 44:4-5
Sa madaling salita, collegial leadership ang setup ng simbahan noon, isang grupo ng mga elders na pantay-pantay ang posisyon, at hindi yung hierarchical na nakikita natin ngayon.
Bakit ito importante?
Interchangeability: Pansinin na sa 44:4, tinutukoy niya ang "office of the bishop," tapos sa 44:5, tinawag naman niyang "presbyters" yung mga taong may hawak ng office na 'yun.
Collegial, Not Monarchical: Kung may "monarchical bishop" o Pope na, sana ay hiwalay ang opisina nila sa mga presbyter. Pero dito, malinaw na ang presbyter at bishop ay iisang trabaho lang silang mga tagapangasiwa (elders) ng lokal na simbahan.
Recent patristic scholarship confirms that during the first century, ang simbahan sa Rome ay hindi pinamumunuan ng isang solong "monarchical bishop" o Pope. Ito ay pinatatakbo ng isang collegial leadership, isang lupon ng mga elders na magkakapantay ang awtoridad. Si Clement ay nagsilbi lamang na tagapagsalita o secretary ng lupon na ito, pero hindi siya ang "absolute ruler" ng simbahan.
Ang Hatol ng mga Ecumenical Councils
Maging ang mga unang Ecumenical Councils na itinuturing ng Simbahang Katoliko na may infallible proclamations ay tahasang bumabasag sa ideya na ang Rome ang may hawak ng buong mundo.
Tingnan natin ang sikat na Canon 6 ng Council of Nicaea (325 AD). Dito, makikita natin kung paano hinati ang pamamahala sa sinaunang mundo batay sa mga rehiyon:
| Patriarchate / Local Church | Regional Jurisdiction | Basis of Authority |
| Alexandria | Egypt, Libya, and Pentapolis | Ancient Customs (Nakasanayan na) |
| Rome | Central and Southern Italy | Ancient Customs (Regional influence) |
| Antioch | Syria and the surrounding provinces | Ancient Customs (Local tradition) |
Notice the wording: Hindi sinabi ng Nicaea na si Rome ang boss ng Alexandria at Antioch. Ang sabi ng Nicaea, kung paanong si Rome ay may pamamahala sa kanyang sariling rehiyon, si Alexandria at Antioch din ay may kanya-kanyang jurisdiction sa mga lugar nila. Ang pamamahalang ito ay hindi dahil sa utos ng Diyos na si Rome ang supreme leader, kundi dahil sa "ancient customs" o mga tradisyong nakasanayan na ng mga probinsya.
Kinumpirma pa ito pagkalipas ng halos 60 taon sa Council of Constantinople (381 AD) sa kanilang ikalawang canon. Idineklara nila na ang synod o lupon ng bawat probinsya ang may huling pasya sa kani-kanilang affairs, at walang karapatan ang sinumang bishop na makialam sa labas ng kanyang teritoryo.
Jerome and Gregory the Great Speaking Out
Maging ang mga itinuturing na "Great Doctors" at mismong pinuno ng Western Church ay hindi pabor sa modernong doktrina ng Papacy.
Ang Banat ni Jerome sa Arrogance ng Rome
Si Jerome, ang pinakadakilang scholar ng early church na nagsalin ng Bibliya sa Latin (Vulgate), ay walang takot na pumalag sa kultura ng Rome. Nang may magtangkang gumamit ng lokal na tradisyon ng Rome para baguhin ang practice ng ibang simbahan, sinabi ni Jerome:
"Wherever there is a bishop, whether it be at Rome or at Eugubium, at Constantinople or at Rhegium, at Alexandria or at Zoar, his dignity is one, and his priesthood is one. The power of riches and the lowliness of poverty do not make a bishop higher or lower. But all are successors of the apostles. Why, then, do you bring forward a few cases against the laws of the Church, and why do you oppose to them the pride of the few in which the arrogance of the clergy has grown? The world is greater than a city." (Jerome, Epistle 146, a Letter to Evangelus)
Ang sulat na ito ay direktang sagot ni Jerome sa isang "Evangelus" (o Evagrius) na nagtatanong tungkol sa hierarchy ng mga deacon at presbyter. Sa kontekstong ito, binibigyang-diin ni Jerome na:
- Pagkakapantay-pantay ng mga Bishop: Binabasag niya ang ideya na ang Bishop of Rome ay may "special divine dignity" na mas mataas kaysa sa ibang mga bishop sa maliliit na bayan (gaya ng Eugubium). Para sa kanya, iisa lang ang antas ng kanilang pagkapari.
- Laban sa Arrogance: Tinuturing ni Jerome na ang pag-angat ng ilang bishop sa ibabaw ng iba (o ang pag-claim ng supremacy) ay bunga ng "arrogance and pride" (kapalaluan) na taliwas sa orihinal na structure ng simbahan.
- Kasaysayan vs. Divine Right: Naniniwala si Jerome na ang pagtataas sa mga obispo ay hindi "divine right" kundi isang custom (nakasanayan) lamang na ginawa para protektahan ang pagkakaisa ng simbahan.
Ang mga siping ito ay solidong "resibo" para ipakita na ang mga Church Fathers, kahit ang pinakarespetado sa kasaysayan ng Western Church, ay hindi naniniwala sa absolute jurisdictional supremacy ng Rome na itinuturo sa Vatican I.
Ang Babala ni Gregory the Great laban sa "Universal Priest"
Noong ika-anim na siglo, nang tangkaing gamitin ng Bishop of Constantinople ang titulong "Universal Priest" (Pandaigdigang Pari), galit na galit na sumulat si Pope Gregory the Great. Sabi niya, ang sinumang naghahangad ng ganyang titulo ay ang precursor o tagapagpauna ng Antichrist dahil sa matinding pride!
"Whoever calls himself 'universal bishop' in his elation, or desires to be called so, is the precursor of the Antichrist, for in his pride he sets himself before all others." (Pope Gregory the Great (Epistle 20)
Madalas sabihin ng mga Catholic apologist ngayon na ipinagbabawal lang daw ito ni Gregory sa iba dahil sa kanya lang dapat ang titulong iyon. Pero inunahan na sila ni Gregory sa kanyang mga sulat: nilinaw niya na kahit sino, kasama ang sarili niya at ang mga naunang Bishop ng Rome, ay hindi puwedeng gumamit ng titulong iyon dahil ang pag-aangkin na ikaw ang "sole priest" ay pagmamataas sa ibabaw ng lahat ng iyong mga kapatid sa ministeryo.
The Keys of the Kingdom: Cyprian and Augustine
Paano naman ang sikat na argument sa Matthew 16:18, kung saan sinabi ni Jesus kay Peter, "On this rock I will build my church, and I will give you the keys of the kingdom"? Ito ang ultimate proof text ng mga Katoliko. Pero iba ang intindi ng Early Church Fathers dito.
Cyprian of Carthage (3rd century): Si Cyprian ay madalas i-quote ng Rome dahil binanggit niya ang "Cathedra Petri" (Chair of Peter). Pero kung babasahin mo ang buong konteksto ng kanyang sulat (De Unitate), malinaw ang sabi niya: Pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli ni Jesus, binigyan Niya ang lahat ng apostol ng pantay na kapangyarihan at karangalan (equal power, honor, and authority). Ibinigay lang daw ito noong una kay Peter para ipakita ang simbolo ng pagkakaisa (unity) ng Simbahan, pero hindi dahil mas mataas ang puwesto ni Peter sa kanila.
"The Lord says to Peter, 'I say to you,' He says, 'that you are Peter, and upon this rock I will build my Church...' And although to all the apostles, after His resurrection, He gives an equal power, and says, 'As the Father has sent me, even so send I you... receive the Holy Spirit. If you forgive the sins of any, they are forgiven; if you retain the sins of any, they are retained,' yet, that He might set forth unity, He arranged by His authority the origin of that unity, as beginning from one." (Cyprian (De Unitate, Chapter 4)
Malinaw ang turo ni Cyprian: Ang mga apostol ay may equal power. Ang pagpili kay Pedro ay isang "primacy of origin" (nagsimula sa isa), hindi "primacy of status" (pagiging mas mataas ang ranggo).
Augustine of Hippo (4th/5th century): Para kay Augustine, ang "susi ng kaharian" ay hindi ibinigay kay Peter bilang isang indibidwal na pinuno, kundi tinanggap ng buong Simbahan. Si Peter daw ay nagrerepresenta lamang ng kabuuan ng Simbahan dahil sa kanyang pag-amin sa pananampalataya. Sa katunayan, sa karamihan ng mga sulat ng Church Fathers, ang tinutukoy na "rock" sa Matthew 16 ay hindi ang pagkatao ni Peter, kundi ang confession of faith ni Peter na si Jesus ang Kristo, o si Kristo mismo.
1. Ang Susi ay para sa Simbahan:
"For Peter, in respect to his apostleship, is by a figurative generalization made to represent the Church... Therefore, the Lord says to Peter, 'I will give unto thee the keys of the kingdom of heaven,' meaning that whatever thou shalt bind on earth shall be bound in heaven, and whatever thou shalt loose on earth shall be loosed in heaven. This He did not say to one man, but He gave it to the one Church." (St. Augustin: Sermon on New Testament Lessons, Sermon 295 (Chapter 2)
2. Si Pedro bilang Simbolo (Representasyon):
"Peter, therefore, who confessed Him to be the Son of God, and whom He called the Rock, represents the Church... for the rock is the Church itself." (St. Augustin: Sermon on New Testament Lessons, Sermon 270 (Chapter 2)
Ignatius and Irenaeus: Context Matters
Kapag naman nagbasa tayo ng mga sulat nina Ignatius of Antioch at Irenaeus of Lyons, gumagamit sila ng mga salitang gaya ng "preeminent authority" para sa simbahan sa Rome. Pero kailangan natin ng context clue, mga kapatid, para hindi tayo maloko ng text-proofing.
Ignatius of Antioch: Sinabi niyang preeminent ang simbahan sa Rome, pero dinugtong niya: "in the district of the Romans." Ibig sabihin, iginagalang sila sa kanilang sariling rehiyon at lokal na nasasakupan, hindi sa buong mundong Kristiyano.
"Ignatius, who is also Theophorus, unto her that hath found mercy in the bountifulness of the Father Most High and of Jesus Christ His only Son; to the church that is beloved and enlightened through the will of Him who willed all things that are, even the church which also presideth in the place of the region of the Romans (hetis kai prokathetai en topoi choriou Romaion), worthy of God, worthy of honor..." (Ignatius (Letter to the Romans)
"In the place of the region": Ang pariralang en topoi choriou Romaion ay mahalaga. Ang salitang Greek na topos (place) at chorion (region/district) ay tumutukoy sa isang tiyak na lokasyon. Ipinapahiwatig nito na ang "pagkapangulo" o presidency (prokathetai) ng simbahan sa Rome ay limitado sa kanilang lokal na rehiyon (district of the Romans). Hindi ito isang deklarasyon ng "universal jurisdiction" o kapangyarihan sa lahat ng ibang simbahan sa labas ng kanilang distrito.
Sa ibang bahagi ng kanyang mga sulat, si Ignatius ay sumulat din sa ibang mga simbahan (gaya ng mga taga-Smyrna o taga-Magnesia) nang may katulad na paggalang. Ang paggamit niya ng "preeminent" o "presiding" ay isang pagkilala sa honor (karangalan) at influence (impluwensya) ng Rome bilang kabisera ng imperyo, na normal sa kultura ng unang siglo, ngunit hindi ito nangangahulugan ng administratibong kontrol sa ibang mga obispo
Irenaeus of Lyons: Sa kanyang sikat na aklat na Against Heresies, sinabi niyang kailangang mag-agree ang lahat ng simbahan sa Rome dahil sa "preeminent authority" nito. Bakit? Dahil ang Rome ang kabisera ng buong imperyo. Dahil sentro ito ng kalakalan at gobyerno, ang mga tapat na Kristiyano mula sa lahat ng sulok ng mundo ay nagpupunta at nagtitipon doon. Kaya ang totoong apostolic tradition ay napapanatili sa Rome sa pamamagitan ng sama-samang witness ng mga Kristiyanong galing sa iba't ibang lugar, hindi dahil sa infallible decree ng isang tao.
Kung ang early church ay ang Roman Catholic Church na alam natin ngayon, napakadali sana ng trabaho ni Irenaeus laban sa mga heretics. Hindi na niya kailangang sumulat ng mahabang libro para mag-appeal sa universal witness ng mga simbahan; sasabihin na lang sana niya, "Mali ang Gnosticism kasi nag-decree na ang Pope sa Rome na mali ito." Pero never niyang ginawa 'yan, dahil walang ganyang konsepto ng kapangyarihan noon.
Primacy vs. Supremacy: The Ultimate Distinction
Para sa ating mga Pilipino na sanay sa hierarchy, kailangan nating maunawaan ang malaking pagkakaiba ng dalawang terminong ito:
Primacy (Unang Karangalan): Ito ang pagkilala ng early church na ang simbahan sa Rome ay may mataas na respeto at honor. Bakit? Dahil doon namartir sina Peter at Paul ayon sa tradisyon, dahil malaki ang kanilang congregation, at dahil sila ang capital city ng Roman Empire. Protestant historians and the early church happily acknowledge this historical primacy.
Supremacy (Universal Jurisdiction): Ito ang maling claim ng modernong Rome na ang Bishop of Rome ang may absolute power and authority para magdikta, magpasya, at maghari sa lahat ng simbahan sa buong mundo sa pamamagitan ng divine right. Ito ang mariing tinanggihan ng mga unang Kristiyano at ng mga pinakadakilang teologo ng kasaysayan.
Ang katotohanan ng kasaysayan ay malaya: Ang early church ay hindi pinamunuan ng isang Papa sa Vatican. Kung gusto nating maging tapat sa pananampalataya ng mga unang Kristiyano at higit sa lahat, kung gusto nating manatiling tapat sa Salita ng Diyos, kailangan nating itaas si Kristo bilang ang tanging Kaitaasang Pinuno at i-reject ang mga dagdag-bawas na tradisyon ng tao.