Kaibigan, lumang tugtugin na 'yang mga "contradictions" na binabato ng mga Muslim apologists. Copy-paste na lang 'yan mula sa mga lumang debate ni Ahmed Deedat noong 1980s. Ang nagiging problema kasi sa kanila, sobrang literal nilang pagbasa at hindi nila naiintindihan kung paano gumagana ang totoong historical eyewitness accounts.
Isipin mo na lang: kung may apat na taong nakakita ng aksidente tapos exact copy-paste ang kuwento nilang apat sa pulis, 'di ba ang iisipin mo agad ay nagsabwatan sila para magsinungaling? Yung pagkakaiba ng focus ng bawat writer, 'yan mismo ang patunay na totoo at hindi scripted ang mga Gospels.
Himayin natin 'yung mga tanong nila.
1. Madilim pa ba o sumisikat na ang araw?
Common sense lang sa pagbiyahe ito. Hindi naman nag-teleport ang mga babae papuntang libingan. Sabi sa Juan 20:1, umalis si Maria "habang madilim pa." Habang naglalakad sila na may bitbit na mga pabango, siyempre, inabot sila ng oras. Kaya pagdating nila mismo sa puntod, sumisikat na ang araw (Marcos 16:2). Nag-umpisang maglakad nang madilim, nakarating nang may araw na. Walang contradiction doon; continuous timeline lang 'yan.
2. Si Maria lang ba o marami sila?
Sa pagsusulat ng history, kapag hindi mo binanggit yung iba, hindi ibig sabihin wala sila doon. Kung sinabi kong "Kumain kami ng misis ko sa Jollibee," ibig bang sabihin nagsisinungaling ako kung sa ibang kuwento ko sinabi kong kasama namin pati mga anak ko? Nag-focus lang si Juan kay Maria Magdalena kasi siya yung main character sa susunod na eksena kung saan magpapakita si Jesus. In fact, sa Juan 20:2, sabi mismo ni Maria Magdalena: "Kinuha nila ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!" Ginamit niya yung word na "namin" dahil alam niyang may kasama siyang iba; hindi lang inisa-isa ni Juan ang pangalan nila.
3. Bukas o sarado pagdating nila?
Pagdating ng mga babae, bukas na ang libingan sa lahat ng Gospel accounts. Yung nabasa nila sa Mateo 28:1-2, flashback lang 'yon ng narrator. Kinukuwento lang ni Mateo sa readers kung paano nabuksan yung bato bago pa man dumating ang mga babae, na lumindol at may bumabang anghel. Walang sinabi sa kahit anong Gospel na nadatnan ng mga babae na sarado pa yung bato at binuksan mismo sa harapan nila.
4. Lalaki o anghel? Isa ba o dalawa?
Una, sa buong Bible (at kahit sa Islam), kapag nagpapakita ang anghel sa lupa, lagi silang nasa anyo ng tao, specifically lalaki. Kaya normal lang na tawagin silang lalaki ng isang writer at anghel naman ng iba.
Pangalawa, kung may dalawang anghel (ayon kina Lucas at Juan), ibig bang sabihin walang isang anghel? Basic math: kung may dalawa, automatic may isa. Sina Mateo at Marcos ay nag-focus lang sa isang anghel,yung mismong nagsalita at nagbigay ng message. Kapag nag-focus ka sa main speaker, hindi mo dinedeny na may kasama siyang iba.
Ibalik natin ang table sa kanila.
Kung gagamitin natin itong parehong sobrang higpit at palpak na logic sa sarili nilang Quran, babagsak din ang Quran.
- Saan gawa ang tao? Sabi sa Surah 3:59, gawa raw sa alikabok. Sabi sa Surah 16:4, sa sperm drop. Sa Surah 96:2, namumuong dugo. Sa Surah 15:26, putik. Tapos sa Surah 19:67, gawa raw sa wala (nothing). Ano ba talaga? Alikabok, dugo, putik, tamud, o wala? Siyempre, isasagot ng Muslim apologist, "Iba-ibang stages of creation 'yan, brad! Hindi yan contradiction!" Oh, eh bakit sa Bible hindi nila ma-apply yung logic na "different angles and stages"?
- Sino ang kukuha ng kaluluwa mo pag namatay ka? Sabi sa Surah 32:11, isang anghel. Sa Surah 47:27, maraming anghel (plural). Sa Surah 39:42, si Allah mismo. Sino ba talaga, isa, marami, o ang diyos nila? Same exact issue ito sa mga anghel sa libingan ni Jesus. Kung ipapaliwanag nilang nag-utos si Allah ng isang anghel na may mga assistant, tapos ang usapan. Kung kaya nilang i-harmonize yung kanila nang walang iyakan, dapat kaya rin nilang intindihin ang Gospels.
Subukan mong ibato itong tatlong tanong sa kanila:
1. "Kung inimbento lang ng mga disciples ang kuwento para lokohin ang mga tao, bakit ginawa nilang mga babae ang unang saksi?" Sa kultura ng mga Judio at Romano noong 1st century, walang bigat ang patotoo ng mga babae sa korte. Kung gagawa ka ng fake news noon para paniwalaan ka, lalaki ang gagawin mong bida, si Pedro o si Juan. Ang tanging rason kung bakit isinulat nilang babae ang unang nakakita, kahit nakakahiya ito sa standards ng kultura nila noon, ay dahil iyon talaga ang totoong nangyari. Aaminin mo ba na kaya nila isinulat 'yan ay dahil hindi ito scripted?
2. "Sabi sa Quran (Surah 4:157), hindi raw totoong pinako si Jesus. Ginawa lang daw ni Allah na 'mukhang' si Jesus ang nakapako." Kung totoo 'yan, ibig sabihin si Allah ang pasimuno ng pinakamalaking panloloko sa kasaysayan. Naniwala tuloy ang mga tapat na tagasunod ni Jesus, pati ang nanay niya, at bilyun-bilyong tao na namatay Siya, kaya nag-umpisa ang Christianity. Bakit gagamit ng ilusyon ang diyos niyo para maligaw ang bilyun-bilyong tao palayo sa Islam sa loob ng dalawang libong taon? Hindi ba pinapalabas niyo na author of confusion si Allah?
3. "Sabi niyo, ang pagkakaiba ng detalye (kung ilang babae o ilang anghel) ay proof na peke ang Bible." Pero wait, kung scam lang itong Christianity at imbento lang ang kuwento, hindi ba't mas madaling mag-usap-usap na lang yung apat na writers para pagpare-parehuhin ang script para walang butas? Ang presensya ng iba't ibang anggulo, parang sa isang totoong aksidente kung saan yung isa nakita ang plaka tapos yung isa nakita yung driver, hindi ba 'yan mismo ang katibayan na totoong eyewitness accounts ito at hindi sila nag-sabwatan?

No comments:
Post a Comment