Translate

Total Pageviews

Monday, September 28, 2026

Original Sin: Turo Ba ni Jesus o ni Pablo? Sinagot Gamit ang SARILING Quran at Hadith ng Muslim

.


Madalas ibato ng mga Muslim apologist na ang concept daw ng "Original Sin" ay inimbento lang ni Apostle Paul at hindi kailanman itinuro ni Jesus. Ang claim nila, sinira raw ni Paul ang totoong mensahe ng Bibliya. Pero teka, totoo nga ba 'yan?

Sa post na ito, iisa-isahin natin ang mga paborito nilang arguments para i-debunk ang Original Sin. At para sa fair play, sasagutin natin sila hindi lang gamit ang Bible, kundi gagamitin din natin ang mismong sources nila, ang Qur'an at mga authentic Hadith. Tara, himayin natin!-point


1. Strawman yung tanong na "Bakit tayo pinaparusahan dahil sa kasalanan ni Adam?" 

Hindi naman 'yan ang sinasabi ng Roma 5:12. Basahin mo hanggang dulo: nag-spread yung kamatayan sa lahat dahil lahat ay nagkasala. Wala namang sinabi doon na pinaparusahan yung baby dahil sa crime ni Adam. Ang namana talaga natin ay death at corrupted na nature, hindi yung guilt ng mismong ginawa niya. Kay Christ ang solution diyan (Roma 5:18-19). Pinaghalo-halo lang kasi nila yung concepts ng guilt, consequence, at nature, kaya classic equivocation 'yan.

2. "Pinatawad na si Adam, kaya wala nang epekto."

Non sequitur 'yan. Kahit nga sa Qur'an, after patawarin si Adam (2:37), pinababa pa rin sila sa lupa (2:36; 7:24-25). May warning pa nga sa 20:117 na maghihirap siya. So yes, pinatawad na siya, pero may consequences pa rin. Ganyan din sa Bible: pinatawad si David (2 Sam 12:13), pero namatay pa rin yung bata (v.14). Hindi porke't forgiven ka na ay burado na rin yung consequence ng kasalanan mo.

3. Out of context yung pagkakagamit sa Mateo 19:14.

Ang main point ni Jesus diyan ay ang kaharian ng Diyos ay para sa mga katulad ng bata, which is all about humility o pagpapakumbaba (Mat 18:3-4). Wala Siyang sinabi na sinless o walang kasalanan ang bawat bata. Classic proof-texting 'yan at argument from silence. Remember, si Jesus din mismo ang nagsabi na sa puso nanggagaling ang masasamang thoughts (Mat 15:19), na ang ipinanganak ng laman ay laman (Juan 3:6), at ang gumagawa ng kasalanan ay alipin nito (Juan 8:34). Sa Luke 11:13 nga, tinawag pa Niyang "kayong masasama" yung mga listeners Niya. So hindi Niya kinontra si Paul; in fact, kinumpirma pa nga Niya.

4. Hindi nagkaka-clash ang Deut 24:16 at Roma 5:12; in fact, magkatugma pa nga sila.

Law kasi 'yan para sa court ng Israel: bawal patayin yung anak as punishment sa crime ng tatay niya. Kung titingnan sa NCT lens, Mosaic civil-judicial law 'yan, hindi 'yan explanation kung paano nag-spread ang death sa buong humanity. Sa mismong Torah (Exo 20:5; 34:7), clear din na may effect sa next generations ang kasalanan ng magulang. Walang inosenteng jina-judge as guilty, pero may consequences talaga na nagpa-pass down sa lahi.

Ang sabi sa Deut 24:16, "bawat isa ay mamamatay dahil sa sariling kasalanan," tapos sa Roma 5:12 naman, "namatay ang lahat dahil nagkasala ang lahat." Basically, same point lang ang sinasabi nila. False contradiction ito kasi pinaghalo nila yung konsepto ng judicial punishment at natural consequence.

5. "Jesus ba o si Paul?" False dilemma 'yan.

Wedge tactic lang nila para pag-awayin yung dalawa. Hindi 'yan totoong exegesis. Si Jesus mismo nag-affirm na totoong tao sina Adam at Eve (Mat 19:4-6), nagturo tungkol sa new birth (Juan 3:3-7), at mismong nagsabi na ang may sakit ang kailangan ng doctor (Mat 9:12). Si Paul naman, in-explain lang in detail yung parallel between Adam and Christ (Roma 5; 1 Cor 15:21-22, 45).

6. Self-contradicting sila.

Claim nila, corrupted daw ang Bible at sinira ni Paul. Pero wait, Matthew at Deuteronomy yung ginagamit nilang evidence. So sino ang nagde-decide kung alin ang legit at alin ang fake? Sila-sila lang? Yung logic na "Legit 'yan 'pag pabor sa akin, fake 'pag hindi" is basically circular reasoning at special pleading.

Tapos, isipin mo ito: sa Qur'an 5:47, inutusan ang mga followers ng Injil na mag-judge batay sa kung ano ang nakasulat doon. At sa 10:94, sinabihan sila na magtanong sa mga nagbabasa na ng Book bago pa dumating si Muhammad.

Ang catch dito, hawak na ng mga Christians yung letters ni Paul more than 500 years before Muhammad even came into the picture. So kung corrupted na talaga yung texts na 'yon back then, bakit doon pa sila pinapahanap ng guidance? Make it make sense, 'di ba?


Turning the table

Hindi ito para mang-asar, ha. Gamitin natin mismong sources at standard nila para fair.
  • Bukhari 3431/Muslim 2366: Sabi rito, pagkapanganak pa lang, tina-touch na ni Satanas ang bawat anak ni Adam, except kina Maria at Jesus. Ibig sabihin, from the start pa lang, may issue na ang tao, at si Jesus lang ang exempted dito.

  • Muslim 162: Binuksan daw yung chest ni Muhammad para tanggalin yung "part ni Satanas." Kung naturally pure at walang problema ang tao, bakit kailangan pa ng ganitong operation?

  • Bukhari 4712/Muslim 194 (Hadith of Intercession): Sa Judgment Day, lalapit ang mga tao kay Adam para mag-intercede siya, pero tatanggi siya kasi guilty siya doon sa pagkain niya sa puno. Kung wala na palang epekto yung kasalanan na 'yon, bakit hiyang-hiya pa rin siya?

  • Qur'an 40:55, 47:19, 48:2: Inutusan si Muhammad na humingi ng forgiveness para sa dhanb (sin) niya. Kung "born pure" ang lahat, bakit pati yung last prophet kailangan pang humingi ng tawad?

  • Bukhari 3335/Muslim 1677: Bawat inosenteng pinapatay hanggang end of the world, may share daw si Cain sa dugo nila. Meaning, yung kasalanan ng isang tao, may ripple effect sa buong humanity. Basically, 'yan din ang point ng Roma 5.

  • Qur'an 16:25 at 29:13: Dala-dala daw ng mga naligaw yung sarili nilang burden pati na rin yung burden ng iba. Paano nangyari 'yon kung ang sabi sa 6:164, absolute na walang magdadala ng burden ng iba?

  • Muslim 2767: May mga Muslim daw na darating na kasing-laki ng bundok ang kasalanan, tapos gagawing ransom (fidā') yung mga Jews or Christians para sa kanila sa hell. Substitution 'yon, kaso hindi voluntary at inosente yung ipapalit. Tapos kay Christ, na kusang nag-offer ng sarili Niya (Juan 10:18; Isa 53), tayo pa yung tatawaging absurd?
Malamang ibabato nila yung hadith na every child is born in *fitrah* (Bukhari 1358). Ang sagot diyan: nasa same collection din yung hadith na "hawak ni Satanas." Saka yung fitrah doesn't necessarily mean "sinless". Sa Qur'an nga mismo, weak ang tao (4:28), walang patience (70:19), at yung nafs ay prone talagang mag-urge sa masama (12:53).


3 Mic-drop na tanong sa Muslim

1."Kung forgiven na si Adam at zero consequences na, bakit nandito pa rin tayo sa lupa, may Satanas pa rin na umaaligid, at namamatay pa rin tayo? At sa Bukhari at Muslim, bakit tatanggi si Adam na mag-intercede sa Judgment Day dahil sa sarili niyang kasalanan? Kung clear na ang lahat, bakit siya nahihiya sa harap ni Allah? Sino ba talaga sa atin ang may 'doctrine of Adam's sin?"

2. "Sabi niyo, walang puwedeng magdala ng kasalanan ng iba (6:164). Pero sa Muslim 2767, Jews at Christians ang gagawing ransom para sa kasalanan ng isang Muslim, kahit hindi naman sila nag-volunteer. Si Christ, walang kasalanan pero kusang-loob na nag-sacrifice ng buhay Niya. Alin ang mas unfair: yung inosenteng kusang nag-alay, o yung inosenteng pinilit na ipalit? Kung absurd para sa inyo yung una, ano na lang ang tawag sa pangalawa?"

3. "Sabi mo, sinira ni Paul at binago ang Bible. Pero kanina, Matthew at Deuteronomy yung ginamit mong evidence. Sino ang nag-decide kung alin diyan ang legit? Kung ang basehan mo lang ay 'legit 'pag pabor sa akin,' hindi na 'yan argument, personal bias na 'yan. Plus, inutusan ng Qur'an 5:47 ang mga Christians na mag-judge based sa Injil na hawak nila that time. Nasaan yung exact verse na nagsasabing corrupted na yung Injil na hawak nila? Bakit hindi 'yon sinabi ng Qur'an nang malinaw?"

Guys, 'wag nating gawing debate o payabangan lang 'to. Ang ultimate goal natin ay madala natin sila kay Christ. Ina-admit din naman ng Qur'an na may problema ang tao at kailangan natin ng forgiveness, kaso hindi nila ma-explain kung paano magiging perfectly just ang Diyos habang nagpapatawad. 'Yan eksakto ang sinasagot ng Gospel: "Ipinakita ng Diyos ang pag-ibig niya sa atin, dahil noong makasalanan pa tayo, namatay si Cristo para sa atin" (Roma 5:8). And always remember, approach with gentleness and respect pa rin, tulad ng reminder sa 1 Pedro 3:15.

Friday, September 25, 2026

Ang Dilemma ng Muslim na Tumatanggi sa Resurrection ni Hesus



May kalokohan akong palaging nahuhuli tuwing may Muslim apologist na tumututol sa Resurrection ni Hesus. Hindi naman sila atheist, di ba? Hindi sila naniniwalang walang Diyos, o kaya may Diyos pero walang kapangyarihan. Sa katunayan, Islam pa nga ang isa sa pinaka-theistic na relihiyon sa mundo, Al-Qadir, ang Makapangyarihan sa Lahat; Al-Muhyi, ang Nagbibigay-Buhay. Kaya kung titingnan mo nang mabuti, hindi talaga theological ang batayan ng pagtanggi nila kay Hesus. Loyalty sa sariling dogma lang ito. At ang nakakatawa, mismong Qur'an at Hadith nila ay puno ng mga kwento ng Diyos na bumubuhay ng patay, bago pa man ipanganak si Muhammad.

Balikan natin.

Una sa lahat, ang Islam mismo ay isang relihiyon ng resurrection.bBago pa man pag-usapan si Hesus, dapat malinaw sa atin: bodily resurrection ang isa sa Six Pillars of Iman nila. May Hadith sa Sahih al-Bukhari na nagsasabing nakatayo na si Anghel Israfil, nakahanda na ang trumpeta sa labi, naghihintay na lang ng utos ni Allah para hipan, unang ihip, mamamatay lahat; pangalawang ihip, uulan mula sa langit at tutubo ang mga tao parang halaman. Ganito rin sa Qur'an 39:68, hihipan ang tambuli, at biglang tatayo ang lahat, nagmamasid. Literal 'to, physical, hindi metaphor.

Kaya kapag may Muslim na sasabihing "imposible ang resurrection," mali. Sila mismo naghihintay ng sarili nilang resurrection sa Huling Araw. Ang tanong lang: bakit hindi nila matanggap na kaya rin itong gawin ng Diyos nang mas maaga, kay Hesus?

Dito na papasok ang comedy. Bago pa dumating si Hesus sa Qur'an, may mga naunang kwento na ng Diyos na bumubuhay ng patay, at aminado dito ang mismong klasikal na tafsir.

May kwento sa Qur'an 2:243 tungkol sa libu-libong Israelitang tumakas sa takot sa kamatayan. Ayon kay Ibn Kathir, inutusan sila ni Allah "Mamatay kayo", at namatay sila, tapos binuhay niya sila ulit. Sabi rin ni Maududi sa Tafheem-ul-Qur'an, ganito mismo ang nangyari: pinatay sila, binuhay ulit. May moderno pang tafsir sa Quran.com na diretsang nagsasabi na ang insidenteng ito ay patunay na magaganap ang physical resurrection sa Araw ng Muling Pagkabuhay.

May kwento rin sa Surah 2:73, 'yung dilaw na baka. Inutusan ng Diyos na hampasin ng piraso ng baka ang isang bangkay, at nabuhay ito, sapat para ituro kung sino ang pumatay sa kanya. "Ganyan binubuhay ni Allah ang mga patay," sabi mismo ng ayah.

Tapos si Uzair (Ezra) sa Surah 2:259, 100 taong patay. Dumaan siya sa isang gibang lungsod, nagtanong, "Paano pa 'to bubuhayin ng Diyos?" Kaya pinatay siya ni Allah nang 100 taon, tapos binuhay. Sabi ni Ibn Kathir, unang binuhay ang mata niya para masaksihan niya mismo kung paano bumabalik ang buhay sa kanyang katawan. May modernong artikulo pa nga na sinasabing lahat ng klasikal na exegete, Ibn Kathir, Al-Tabari,  kinikilala ito bilang malakas na patunay ng ganap na kapangyarihan ni Allah sa buhay, kamatayan, at resurrection.

Tapos meron pang kwento ni Ibrahim sa Surah 2:260, nagtanong siya mismo kung paano binubuhay ng Diyos ang patay, kaya pinakita sa kanya, apat na ibon, pinagputolputol, tinawag, at lumipad palapit sa kanya, buhay.

Apat na kwento ng resurrection ang tinanggap na ng Islam bago pa man pumasok ang usapin ni Hesus. Hindi kailangang maging atheist para tumanggi sa Resurrection, pero kailangan kang maging inconsistent bilang theist.

Pero heto ang pinaka-nakakatawang parte. Sa Qur'an 3:49 at 5:110, sinabi mismo na si Hesus ay may kakayahang gumawa ng ibon mula sa putik, pagalingin ang bulag at ketongin at, direktang sinipi, "wa uhyi al-mawta bi-idhnillah" "binubuhay ko ang mga patay, sa pahintulot ng Diyos." Ayon sa Maarif-ul-Qur'an, isa 'to sa apat na himalang ibinigay kay Hesus bilang katibayan ng kanyang pagka-propeta.

Pansinin: wala nang ibang propeta sa buong Qur'an, kasama na si Muhammad, ang binigyan ng ganitong kapangyarihan. Naobserbahan na 'to matagal na ng Christian apologist na si John Gilchrist sa isang debate niya: sa buong Qur'an, walang ibang tao ang binigyan ng kapangyarihang bumuhay ng patay maliban kay Hesus. Kaya kung susundin natin ang sariling lohika ng Qur'an, mas malaki pa ang power over death na ibinigay kay Hesus kaysa kanino man.

Kaya saan nagmumula ang biglaang "atheism" ng mga Muslim apologist? Kapag si Hesus mismo na ang binuhay, hindi na siya ang bumubuhay ng iba, biglang naging methodological atheist sila. Iniiwan nila ang sarili nilang supernatural worldview at kumukuha ng naturalistic na paliwanag, eksaktong parehong argumento ng mga sekular na skeptic.

Si Ahmed Deedat halimbawa, sa librong "Crucifixion or Cruci-Fiction?",  itinaguyod niya ang swoon theory. Hindi raw talaga namatay si Hesus sa krus, nawalan lang siya ng malay tapos nagising sa loob ng libingan. Para patunayan 'to, sinipi niya ang Marcos 14:50, na tumakas ang mga disipulo, kaya ang mga tinatawag na eyewitnesses, hindi raw talaga totoong eyewitnesses. Wala nang "by Allah's permission" dito, wala nang miracle claim. Pure historical-critical skepticism, eksaktong paraan ng pag-atake ng mga taong gaya ni Bart Ehrman.

Ganun din si Zakir Naik sa debate niya laban kay Pastor Ruknuddin Henry Pio noong 2011, ayon sa isang forum thread sa Islamic Board, ang turo niya, buhay pa rin si Hesus matapos ang diumano'y pagpapako. Pero sabi rin ni Wikipedia, ginamit din niya ang swoon hypothesis sa debate na 'yon, kahit ang mismong Qur'an, ayon sa parehong artikulo, ay mas malapit sa Substitution hypothesis: hindi raw talaga naipako si Hesus, may ibang katulad niya ang pinako. Kaya't hindi pa nga sila magkasundo kung ano talaga ang nangyari, swoon o substitution, pero magkasundo sila na kahit paano, hindi dapat totoo ang Resurrection.

May tumuligsa pa mismo mula sa kapwa Muslim, si Mohammed Bana ng Durban, sinabi niyang Qadiani (Ahmadiyya) na teorya lang 'yung kay Deedat, at hindi raw malinaw kung anong doktrina talaga ang itinuturo niya, Kristiyano, Muslim, o Qadiani. Kaya kahit sa loob mismo ng Islam, magulo na 'to.

May dagdag pang kontradiksyon. Sa Qur'an 19:33, si Hesus mismo ang nagsalita, "Kapayapaan ang sumasaakin sa araw na ako'y isinilang, at sa araw na ako'y mamamatay, at sa araw na ako'y muling bubuhayin." Future tense. Hindi pa nangyari 'to noong sinabi. Kaya may mga Muslim forum na nagtatanong na mismo, bakit sinasabi ni Naik na hindi pa namamatay si Hesus samantalang malinaw na sinasabi sa Surah Maryam na siya'y mamamatay at bubuhaying muli? Ayon sa isang komentaryo, kontradiksyon 'to, unang sinabi mamamatay siya, tapos muling bubuhayin. Kahit ang sariling teksto nila hindi comfortable sa spin ng mga sikat nilang apologist.

Kaya heto na ang core ng buong dilemma. Kapag pinag-uusapan ang Uzair, ang apat na libong Israelita, o ang ibon ni Ibrahim, walang humihingi ng historical evidence, walang naghahanap ng multiple eyewitnesses, walang gumagamit ng argument-from-silence. Tinatanggap na lang, "kaya ni Allah 'yan." Pero pagdating kay Hesus, biglang kailangan ng cross-examination kasinghigpit ng forensic investigator, gamit ang parehong tool ng mga sekular na kritiko ng Bibliya.

May Muslim blogger nga na sinubukang gamitin ang argument-from-silence laban sa pagkabuhay ni Lazaro, wala raw binanggit ang Marcos, Mateo, at Lucas tungkol dito, kaya kathang-isip lang daw ito hindi napapansin na kapag ang parehong criterion ilalapat sa sariling Qur'an, walang independent corroboration sa labas nito para sa kwento ni Uzair o ng apat na libo, babagsak din 'yon.

Kaya heto na ang buong sitwasyon. Kung tatanggapin nilang possible ang resurrection dahil may Diyos na makapangyarihan, na siya namang pinaniniwalaan nila, hindi dapat sila kumapit sa naturalistic na teorya laban kay Hesus. Pero kung naturalistic, historical-critical na paraan ang gagamitin nila laban kay Hesus, dapat ganito rin nilang ilapat sa Uzair, sa apat na libo, sa ibon ni Ibrahim, at kapag ginawa nila 'yon, gigiba ang sarili nilang teolohiya. Hindi pwedeng dalawa nang sabay. Doon nagsisimula ang komedya, pumipili lang sila kung kailan maniniwala sa milagro at kailan magiging rationalist, depende kung sino ang bida ng kwento.

Para maging patas naman: karamihan sa Muslim scholar sasagot na hindi ito tungkol sa "kaya ba ng Diyos" kundi tungkol sa historical fact. Batay sa Qur'an 4:157, hindi raw kailangang pag-usapan ang Resurrection dahil hindi naman daw namatay si Hesus sa krus. Wala namang kamatayan, wala ring resurrection na pag-uusapan. May punto rin sila na iba ang pagbuhay sa iba kumpara sa sariling pagkabuhay.

Pero dito mismo bumabalik ang problema. Kung ganito ang paninindigan, dapat purong theological ang depensa, "hindi namatay si Hesus dahil ganito ang sabi ng Qur'an," tapos. Sa halip, pumapasok sina Deedat at Naik sa historical argumentation gamit ang Bibliya laban sa Bibliya, swoon, walang eyewitness, hindi pa raw namamatay at doon mismo nagbubukas ang pinto para pag-usapan ang aktwal na ebidensya: ang pagkamatay sa krus, ang libingan, ang testimonya ng mga saksi, ang pagbabago sa buhay ng mga disipulo. At kapag doon na tayo pumasok, mananalo ang katotohanan.

Kaya ganito lang talaga: hindi pwedeng sabihin ng Muslim na "imposible 'yan", dahil ang sarili niyang Qur'an, Hadith, at mga klasikal na exegetes gaya nina Ibn Kathir at Maududi ay puno ng mga kwento ng Diyos na bumubuhay ng patay, kabilang na ang tanging propetang binigyan ng eksaktong ganitong kapangyarihan, si Hesus mismo. Hindi theological ang tunay niyang problema. Gustong manatiling totoo ang Islam, kaya kailangang hindi totoo ang Resurrection, anumang klaseng argumento ang kailangang hiramin, kahit pa nito sirain ang sarili niyang consistency.

Thursday, September 24, 2026

John 1:18: Paano Basagin ang Argumento ng "Ang Tamang Daan" ng INC (1914)



Pag-usapan natin yung paboritong banat ng Iglesia ni Cristo (1914), lalo na sa programang "Ang Tamang Daan," laban sa deity o pagka-Diyos ni Jesus. Isa sa pinakamabigat na talata sa usapang ito ay ang Juan 1:18. Sa mga modern translations (tulad ng NASB at ESV), ang nakasulat dito ay "only begotten God" o "the only God" mula sa orihinal na Greek na monogenes theos. Direktang binabasag nito yung core doktrina ng INC na "tao lamang" si Jesus at walang pre-existence.

Mapapansin mo na umiikot lang yung script ng mga polemicists nila sa paghahanap ng isolated verses na nagpapakita ng limitasyon ni Cristo (tulad ng napagod siya, nauhaw, etc.) para i-deny yung pagka-Diyos niya. Pero kapag hinarap na sa kanila yung mabibigat na verses gaya ng Juan 1:1, 1:18, at 12:41, bumabagsak sila sa logical fallacies at lantarang umiiwas sa proper textual criticism.

Himayin natin point-by-point kung bakit palpak yung arguments nila. Gagamit tayo ng solid Greek exegesis, historical context, at mag-a-apply ng "boomerang tactics" gamit yung mismong Pasugo at official materials nila para makita natin kung gaano ka-absurd yung position nila.


Ang Textual Battleground ng Juan 1:18: Monogenes Theos vs. Monogenes Huios

Bakit ba pilit iniiwasan at inaatake ng INC ang "only begotten God"? Kailangan nating tingnan yung mga lumang Greek manuscripts. May dalawang text variants na madalas pagtalunan dito:

1. ho monogenes huios (the only begotten Son)

2. monogenes theos (only begotten God / unique God).

Ang paboritong gamitin ng INC ministers sa mga debate ay yung ho monogenes huios (basehan ng KJV) dahil mas madali itong ipaliwanag gamit yung Arian-leaning theology nila. Pero kung titingnan natin yung modern textual criticism at yung mga pinakalumang manuscripts na nadiskubre, sobrang clear na monogenes theos ang orihinal na isinulat ni Apostol Juan.


Ebidensya ng mga Papyri at Sinaunang Uncials

Sa pag-aaral ng manuscripts, standard practice na mas binibigyan ng bigat yung mga pinakaluma at reliable na text families, lalo na yung Alexandrian text type. Tingnan niyo itong comparison:



Yung pinakamaagang ebidensya ng Christianity, ang Bodmer Papyri (P66 at P75) na halos 150 years lang ang pagitan sa orihinal na sulat ni Juan, parehong nagsasabing monogenes theos. Pati Codex Sinaiticus at Vaticanus suportado ito. Kung antiquity (kalumaan) at kalidad ang labanan, walang binatbat yung "huios" reading na sumikat lang nang husto sa mga mas huling Byzantine manuscripts noong Middle Ages.


"Nomina Sacra" at Lectio Difficilior Potior

Paano ba naging "huios" (Son) ang "theos" (God)? Ang sagot ay nasa scribal practices ng early Christians. Yung mga sinaunang scribes gumagamit ng nomina sacra (sacred names abbreviations) para makatipid sa mahal na papyrus at magpakita ng respeto. Ang "Diyos" (Theos) ay ina-abbreviate na ΘΣ (Theta-Sigma), habang ang "Anak" (Huios) ay ΥΣ (Upsilon-Sigma).

Isang letra lang ang pinagkaiba sa paningin. Sobrang daling mamalikmata ng scribe at mapagpalit yung dalawa.

Dito pumapasok yung rule sa textual criticism na lectio difficilior potior (the more difficult reading is stronger). Ano ba yung mas malamang na sadyang baguhin o mamaling kopyahin? Yung tawaging "only begotten God" si Jesus ay sobrang unique; hapax legomenon (minsan lang lumabas) ito sa Bagong Tipan. Mas madali para sa isang scribe, lalo na kung kabisado na niya yung sikat na Juan 3:16 ("only begotten Son"), na palitan ang ΘΣ ng ΥΣ para mas madaling basahin. Walang scribe na mag-iimbento ng napakahirap na theological phrase na monogenes theos kung ang orihinal naman talaga ay yung common na monogenes huios.

Kaya pag ipinipilit ng INC yung KJV reading para depensahan yung aral nila, umiiwas sila sa pinaka-orihinal at pinakamatandang dokumento ng Kristiyanismo.


Lexical Fallacy: Maling Basa sa Monogenes

Paboritong script ng INC ang literal na pagtingin sa monogenes. Dahil "only begotten" ang traditional English translation nito, iniisip nila na ibig sabihin daw na ipinanganak, nalikha, o nagsimula si Jesus. Logic nila: Kung may simula, hindi siya eternal na God. Textbook example ito ng etymological fallacy.

Genos vs. Gennao

Ang Greek na monogenes (μονογενής) ay HINDI galing sa monos (only) at gennao (to beget/give birth), kahit 'yon yung ipinipilit ng INC ministers. Galing ito sa monos at genos (kind, class, species, or family). Meaning, ang tamang translation talaga ay "one of a kind," "unique," o "solely of its class".

Kung gustong sabihin ni Juan na "kaisa-isang ipinanganak" in a biological sense, ang gagamitin niya sana ay monogenitos. Kaso, hindi ginamit 'yon sa Bible kasi hindi man lang sikat 'yung salitang 'yon noong unang siglo. Naging "only begotten" lang sa lumang English (tulad ng KJV) dahil naimpluwensyahan sila ng Latin Vulgate ni Jerome na gumamit ng unigenitus para labanan ang Arianism noong 4th century.

Pero sa standard lexicons ng 1st-century Koine Greek tulad ng BDAG, ang meaning talaga nito ay "unique".

Ang "Isaac Anomaly" (Hebrews 11:17)

Para tuluyang mabasag yung "begotten = biological origin" na argument ng INC, tingnan lang natin kung paano ginamit ng Bible ang monogenes sa ibang verses. Sa Hebrews 11:17: "By faith Abraham, when he was tried, offered up Isaac: and he that had received the promises offered up his only begotten [monogenes] son" (KJV).

Si Isaac ba talaga ang "kaisa-isang ipinanganak" ni Abraham? Siyempre hindi. Nauna si Ishmael kay Hagar nang higit sa isang dekada (Genesis 16) at marami pang naging anak si Abraham kay Keturah (Genesis 25).

Bakit naging monogenes si Isaac? Dahil sa Hebrew root word na yachid, siya yung "unique" at "one of a kind" na anak ng pangako. Walang ibang anak na ganoon ang status.

Basag ang INC logic dito. Kung ang monogenes kay Isaac ay tungkol sa "uniqueness" ng status at hindi order of birth, ganoon din ang paggamit ni Juan sa monogenes theos para kay Cristo. Si Jesus ang kaisa-isang "Unique God" na kabahagi ng divine essence ng Ama. Maging sa ancient literature tulad ng kay Clement of Rome sa ibong Phoenix o kay Plato, monogenes means "one of a kind".


Historico-Grammatical Exegesis ng Juan 1:18

Himayin natin yung verse para makita natin yung totoong teolohiya niya:
  • "No one has seen God at any time..." (Θεὸν οὐδεὶς ἑώρακεν πώποτε) Sinasabi dito na ang Ama bilang Espiritu, sa Kanyang essential divine nature, ay hindi nakikita ng ordinaryong mata.
  • "...the only begotten God / the unique God..." (μονογενὴς θεὸς) Dahil hindi nakikita ang Ama, kailangan natin ng tulay. At hindi lang basta nilalang ang tulay na ito, Siya mismo ang monogenes theos, nagtataglay ng same essence ng Ama. Walang definite article (anarthrous) sa Greek yung "theos" dito para i-highlight yung Kanyang divine nature, eksaktong kapareho sa Juan 1:1c ("the Word was God").

  • "...who is in the bosom of the Father..." (ὁ ὢν εἰς τὸν κόλπον τοῦ πατρὸς) Ang phrase na "in the bosom" sa ancient Middle Eastern culture ay idiom para sa perfect intimacy at co-equality. Pansinin din yung present participle na ὁ ὢν (the One being/existing). Continuous, eternal state ito. Hindi siya naging nasa "bosom" lang noong pinanganak siya sa lupa; from eternity past, nandoon na siya. Sumablay na naman ang turo ng INC na nagsimula lang si Jesus sa tiyan ni Maria.
  • "...He has declared [explained/exegeted] Him." (ἐκεῖνος ἐξηγήσατο) Galing ito sa exegeomai, ang pinagmulan ng salitang "exegesis" (pagpapaliwanag nang malalim). Si Jesus ang perpektong interpretasyon ng invisible na Diyos. Kung tao lang si Jesus na may limitadong kapasidad tulad ng sabi ng INC, paano niya kayang i-exegete nang perfectly yung infinite at uncreated na Diyos? Tanging ang Persona na may same divine essence ang makakagawa nun.

Logic Check: Mga Fallacies sa Argumento ng INC

Tingnan natin kung paano nililinlang ng "Ang Tamang Daan" yung logic ng tao:
  • "Sabi sa Juan 1:18, walang nakakita sa Diyos. Pero si Jesús nakita. Kaya hindi siya Diyos." False Dilemma / Equivocation
Yung invisible ay ang ontological essence ng Ama. Nung nagkatawang-tao ang Salita, nahayag yung nature na yun physically. Ito ay patunay ng Incarnation, hindi denial of Deity.
  • "Begotten means ipinanganak. Ang Diyos ay walang simula. Kaya si Jesus na ipinanganak ay di Diyos." Etymological Fallacy / Category Error
Ang monogenes means "unique" (genos), hindi "ipinanganak" (gennao). Ang pagkakaroon Niya ng physical body may simula, pero ang divine nature Niya eternal.
  • "Anak ang tamang salin, hindi Diyos." Cherry-picking
Sadyang itinatago nila yung P66 at P75 (c. 200 AD) na may monogenes theos. Pabor sila sa mas bagong manuscripts dahil pabor sa bias nila.
  • "Tinawag ni Jesus ang Ama na Diyos niya (Juan 20:17). Kung Diyos siya, paano siya may Diyos?" Contextual Isolation
100% God, 100% Man. Bilang tao at representative natin, tama lang na tawagin niyang Diyos ang Ama. Pero hindi niya dineny nung tinawag siyang "My Lord and my God" ni Tomas (John 20:28).

 


Boomerang Tactics: Internal Contradictions ng INC

Ang pinaka-effective na way para basagin yung doktrina nila ay gamitin yung sariling logic at publications (Pasugo) laban sa kanila.

1. Pabago-bagong Doktrina

Madalas nilang ipagmalaki na hindi kailanman nagbago ang kanilang mga aral mula pa noong 1914. Subalit, kung susuriing mabuti ang kasaysayan batay sa panayam ng Baptist author na si Arthur Leonard Tuggy kay Theodoro Santiago (isang ministro ng INC), lumilitaw na noong mga taong 1913 hanggang 1932 ay hindi pa tuwirang kinakalaban ni Felix Manalo ang pagka-Diyos ni Cristo, maging sa kanyang mga unang pakikipagdebate sa ibang relihiyon. Noon ay itinuturo pa niya na si Jesus ay puwedeng tawaging Diyos sa katulad na paraan ng pagtawag kay Moises sa Exodo 7:1, bago man lamang niya tuluyang tinalikuran at binitiwan ang paniniwalang ito sa mga sumunod na taon.

"The Iglesia ni Cristo has two favorite topics for public debate. One is, "Is Jesus Christ God or Man?" The other is, "Which is the true Church founded by Jesus Christ in Jerusalem?" Teodoro Santiago says it was not always so. When Manalo began preaching the new church in 1913, he never, according to Santiago, discussed the matter of Christ's deity ("hindi pinaksa"). He does not remember Manalo attacking the doctrine of the deity of Christ until about 1932. For a while, he says, Manalo taught that Jesus could be called God in the same sense that Moses was in the verse, "See I have made thee a god to Pharaoh" (Exodus 7:1), but later even this usage was dropped by the Iglesia. (see Arthur Leonard Tuggy, Iglesia ni Cristo: A Study in Independent Church Dynamics, Conservative Baptist Publishing Inc., QC Philippines, 1976, p. 109).


Kasunod nito, dahan-dahan ding tinalikuran ng INC ang nasabing pananaw. Patunay dito ang November 1939 issue ng kanilang opisyal na magasing Pasugo, kung saan ipinapalabas pa noon na si Jesus ay maaari raw tawaging "Diyos" sa di-tuwirang kahulugan at hindi raw ito mali. 

"Bakit pa kami mag-aaral, sa naniniwala naman kaming si Cristo'y TINATAWAG NA DIOS. Ikinakapit na talaga kay Cristo ang salitang "Dios," nguni't si Cristo ay hindi TUNAY NA DIOS, kundi TINATAWAG LAMANG DIOS. Ang salitang "Dios" ay ikinakapit din sa mga Anak ng Kataas-taasan; tinatawag din silang Dios (Awit 82:6: Juan 10:34-35). Ikinakapit din sa anghel ang salitang "Dios"(Iuk, 13:21-22; Gen. 32:28; Oseas 12:3-4). Si Moises ay ginawang Dios ng Dios, at parang Dios (Exo. 7:1; 4:16). Kung sa mga anak ng Dios ay ikinakapit ang salitang "Dios", lalong may katuwirang ikapit kay Cristo ang salitang ito (Dios), nguni't hindi ito katotohanan na si Cristo ay tunay na Dios, kundi Siya'y tinatawag lamang Dios." (Pasugo, November 1939, p. 21).
 

Subalit sa paglipas ng panahon, tuluyan na nilang ibinasura maging ang pagpapahintulot na ito, anupat sa kasalukuyan ay mahigpit na nilang ipinagbabawal at itinatanggi ang anumang pagtawag kay Jesus bilang Diyos. 


2. Ang Lamsa Translation (1933) Double Standard

Tuwing ipagtatanggol nila yung Gawa 20:28 para sa pangalan ng "Iglesia ni Cristo," paboritong gamitin ng INC ang salin ni George M. Lamsa (mula sa Syriac Peshitta) kasi nakasulat doon ang "church of Christ" kahit halos lahat ng Greek manuscripts ay "church of God". 

Ang nakakatawa rito, pagdating sa Juan 1:18, ang mismong Syriac Peshitta na pinagbatayan ni Lamsa ay sumusuporta talaga sa "only begotten God" (monogenes theos)! Subalit sa kanyang The Holy Bible from Ancient Eastern Manuscripts (1933), mas pinairal niya ang mga idiom at kulturang kinagisnan niya kaysa sa aktwal na kahulugan batay sa lumang diksyunaryo ng Syriac. Bunga ito ng kanyang East Syriac (Nestorian) background, isang tradisyon na may kakaibang pananaw sa kalikasan ni Cristo. Sa pagnanais niyang ipilit ang "Aramaic primacy theory" (ang paniniwalang sa Aramaic direktang nagmula ang Bagong Tipan), sadyang hinubog niya ang kanyang salin upang iwasan ang mga terminong nagpapatibay sa orthodox Trinitarian theology. Ito ang malinaw na dahilan kung bakit pinalitan niya ang John 1:18 at ginawang "firstborn of God" para lamang umangkop sa kanyang personal na teolohiya, sa halip na "only begotten God."

Si Lamsa ay kilala sa mga iskolar na hindi sumunod sa mahigpit na siyentipikong pamantayan ng textual criticism. Marami siyang binagong salita na kahit sa mismong Peshitta manuscript na iniendorso niya ay hindi naman ganoon ang mababasa. Kaya nga lumalabas na sumasalungat si Lamsa sa sarili niyang Peshitta sa ilang mga talata.

Yung "only begotten God" galing talaga mismo sa Syriac Peshitta, tapos makikita mo rin siya sa ibang Peshitta translation, pero hindi kay Lamsa. Sabi nga sa StudyLight.org, ang translation ni James Murdock (1851) eh ganito: "the only begotten God, he who is in the bosom of his Father."  Naging strict at literal ang pag-translate niya mula sa Peshitta papuntang English. Mas pinili niyang sundin nang todo yung mismong ayos at estruktura ng mga salitang Syriac, kaya lumitaw nang direkta yung salitang "only begotten God" na katumbas nung īhīdāyā Alāhā sa Aramaic.

Hawak nga nila Murdock at Lamsa ang parehong Peshitta, pero si Murdock ay nanatiling tapat sa literal na teksto, habang si Lamsa ay nagpasok ng sarili niyang interpretasyon at teolohikal na lente. Kaya pagdating sa seryosong pag-aaral, mas pinaniniwalaan ng mga iskolar ang tapat na salin ni Murdock kaysa sa ginawa ni Lamsa.

Kaya gagamitin lang ng INC yung Syriac translation kapag pabor sa registration name nila, pero ire-reject nila kapag sumisira sa theology nilang tao si Jesus. Garapalang cherry-picking.


3. Idolatriya at Pagtitiwala sa "Tao"

Sabi nila, bawal sambahin si Cristo kasi idolatry daw 'yon dahil "tao lamang" siya. Pero tingnan niyo kung paano nila i-elevate si Felix Manalo bilang "Huling Sugo." Sinasabi nilang walang kaligtasan sa labas ng korporasyon na tinayo niya. Kung tao lang si Jesus at tao si Felix Manalo, ang buong kaligtasan nila ay nakatali sa dalawang mortal na tao. Eksaktong idolatry 'yon na kinokondena sa Jeremias 17:5.

"Ganito ang sabi ng Panginoon: "Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon." (Jer 17:5 Tagalog AB)


4. Hindi Ito Inimbento sa Nicaea (Patristic Evidence)

Palagi nilang sinasabi na inimbento lang daw ng mga Katoliko sa Council of Nicaea (325 AD) yung Trinity at Deity of Christ. Kaso, matagal pa bago ang Nicaea, ginagamit na ng mga early church fathers ang monogenes theos:
  • Irenaeus (c. 130–202 AD): Sa Against Heresies (Book IV, 20:11), tahasan niyang sinipi ang "only-begotten God" (unigenitus Deus sa Latin translation).

  • Clement of Alexandria (c. 150–215 AD): Sa Stromateis 5.12, malinaw din niyang sinipi: "The only-begotten God, who is in the bosom of the Father...".
Marami ring iba gaya nina Origen at Epiphanius na gumamit nito bago ang Nicaea. Isang malaking historical hoax yung argumentong "imbensyon lang ng Nicaea" ito.


Bonus: Yung "Glory" ni Yahweh sa Juan 12:41

Sa prologue ng Juan (1:14), nakita daw nila ang glory ni Jesus. Kinonekta ito ni Juan sa Juan 12:41. Sabi niya, nagsalita si Isaias, "because he saw His glory and spoke of Him."

Ano ang nakita ni Isaias? Sa Isaias 6:1-3, nakita niya yung glory ng Panginoong Yahweh (Jehovah).

"Noong taong mamatay ang haring Uzzias ay nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan, matayog at mataas, at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian. Sa itaas niya ay nangakatayo ang mga serapin: bawat isa'y may anim na pakpak: na may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mukha, at may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mga paa, at may dalawa na naglilipad sa kaniya. At nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi, Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian." (Isa 6:1-3 Tagalog AB)

Basic logic check: Nakita ni Isaias si Yahweh sa Old Testament. Sabi ni Juan sa New Testament, ang nakita ni Isaias ay ang glory ni Jesus. Ibig sabihin, nagtataglay si Jesus ng divine identity ni Yahweh.

"Nguni't bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda, gayon ma'y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya: Upang maganap ang salita ng propeta Isaias, na kaniyang sinalita, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? … Ang mga bagay na ito'y sinabi ni Isaias, sapagka't nakita niya ang kaniyang kaluwalhatian; at siya'y nagsalita ng tungkol sa kaniya."  (Joh 12:37-38, 41 Tagalog AB)

Kung tao lang si Jesus na nag-exist noong ipinaglihi siya ni Maria, paano nakita ni Isaias yung glory niya 700 taon bago siya pinanganak? Sasabihin ng INC na nasa "plano" pa lang siya. Pero hindi ka makakakita ng literal na "glory" ng isang taong plano pa lang. Winawasak nito yung aral na nagsimula lang si Cristo sa sinapupunan ni Maria.


3 Mic-Drop Questions Para Makapag-isip ang mga INC (1914)

Kung may makakausap kang defender ng INC, subukan mong itanong 'to:

1. Ang P66 at P75 Dilemma: "Lagi ninyong sinasabi na nakabase kayo sa orihinal na salita ng Diyos. Kung ganoon, bakit natin itinatanggi yung pinakamatandang evidence ng Bible gaya ng Papyrus 66 at 75 (200 AD) na parehong nagsasabing monogenes theos o 'Only Begotten God'? Mas pinoprotektahan ba natin yung rehistro ng doktrina noong 1914 kaysa tanggapin kung ano yung totoong isinulat ni Apostol Juan?"

2. Ang Isaac Anomaly: "Sinasabi niyo na ang monogenes ay literal na 'ipinanganak,' kaya hindi puwedeng Diyos si Jesus dahil may simula siya. Pero sa Hebrews 11:17, tinawag ng Diyos si Isaac na monogenes ni Abraham kahit mas naunang ipinanganak sa kanya si Ishmael. Kung ang ibig sabihin ng monogenes kay Isaac ay 'unique' at hindi literal na order of birth, bakit biglang nag-iiba yung definition niyo kapag kay Jesus na sa Juan 1:18? Hindi ba't double standard at pag-twist 'yan ng Greek para lang ipilit yung teolohiya niyo?"

3. Ang Imposibilidad ng Exegesis: "Sabi sa Juan 1:18, walang nakakita sa Diyos, pero ang Anak ang nagpakilala o nag-exegete sa Kanya. Kung si Jesus ay literal na 'tao lamang' at may limitadong isip tulad natin, paanong ang isang finite na tao ay kayang magbigay ng perpektong exegesis ng isang infinite at invisible na Diyos? Hindi ba, logically at theologically, kailangan yung magre-reveal nang buo sa Diyos ay may kaparehong divine essence Niya?"
Bottomline

Hindi nadadaan sa tapang o taas ng boses sa debate ang katotohanan. Pag inaral mo ang manuscripts, proper Greek grammar, at yung context mismo ng ebanghelyo, malinaw na monogenes theos ang orihinal. Hindi tao lang si Jesus na nagbigay ng kaligtasan noong 1914. Siya ay eternal God, naging tao, para perpektong i-reveal yung Ama at iligtas tayo.

"Namamatay Ba ang Diyos? How to Answer the Acts 5:30 Argument"


Acts 5:30
"Ang Dios ng ating mga magulang ay ibinangon si Jesus, na inyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy."

Classic argument ito ng mga Muslim apologists. Paborito nilang ibato 'yan: "Kung Diyos si Jesus, bakit Siya pinatay? At bakit kailangan pa Siyang buhayin ng isa pang Diyos? Namamatay ba ang Diyos?"

Sa unang dinig, mapapa-isip ka nga. Pero theologically at logically, butas ang argumentong 'yan. Himayin natin kung bakit.

Maling Akala at Category Mistake

First, inaatake nila ang isang maling definition ng Trinity at Incarnation na sila lang din naman ang nag-imbento. Wala namang matinong Kristiyano na naniniwala na namatay ang pagka-Diyos o "divine nature" ni Jesus. That’s a category mistake.

Ang turo natin, based on Scripture, ay hypostatic union: si Jesus ay 100% Diyos at 100% tao. Noong ipinako Siya sa krus, ang nag-suffer at namatay ay yung human body Niya, yung human nature na sinuot Niya para maging substitute natin. Hindi namamatay ang pagka-Diyos.

Ang Exegesis ng Acts 5:30

Pagdating sa text, noong sinabi ni Pedro na "Ang Diyos ng ating mga magulang" ang bumuhay kay Jesus, tinutukoy niya ang God the Father. Sa Trinity, distinct ang Ama at ang Anak. Pero hindi lang Ama ang kumilos diyan. Kung babasahin mo ang John 2:19 at John 10:18, sabi mismo ni Jesus, may authority Siyang ibigay ang buhay Niya, at may authority Siyang bawiin ito. Ang resurrection ay gawa ng buong Trinity. Ibinangon Siya ng Ama, pero binangon din ni Jesus ang sarili Niya dahil Siya ay Diyos.

Turning the Tables: Ang Boomerang

Ngayon, ibalik natin ang logic sa kanila. Sinasabi nilang absurd daw na ang Diyos ay maging tao at magkaroon ng physical body kasi nakakabawas daw 'yun sa pagka-Diyos niya.

Pero tingnan mo ang sarili nilang sources. Sa Quran (Surah 38:75; 48:10), may "kamay" daw si Allah. Sa isang authentic hadith (Sahih al-Bukhari 7414), ipapakita daw ni Allah ang "binti" (shin) niya sa Judgment Day para makilala siya. Pag tinanong mo ang Muslim kung literal na physical na kamay at binti ba 'yun, ang isasagot nila ay "Bila Kayf," meaning, tanggapin na lang daw without asking how.

Ang boomerang diyan: Kung kaya nilang tanggapin na si Allah ay may kamay at binti without compromising his divinity, bakit hirap silang tanggapin na ang Anak ng Diyos ay nagkatawang-tao para iligtas tayo? Sila mismo ang nagko-contradict sa theology nila habang nililimitahan nila yung Diyos na tinatawag nilang all-powerful.

The 3 Mic-Drop Questions

Next time na ipilit nila yung Acts 5:30, lapagan mo nitong tatlong cross-examinations:

1. The Omnipotence Trap:

"Bro, omnipotent ba si Allah? Kaya ba niyang gawin ang lahat? Kung oo, kaya ba niyang maging tao para abutin ang creation niya? Kung sasabihin mong hindi, nilimitahan mo ang kapangyarihan niya. Kung sasabihin mong oo, bakit ayaw mong tanggapin na ginawa 'yan ni Jesus?"

2. The Kalimatullah (Word of Allah) Dilemma:

"Sa Surah 4:171 niyo, si Isa (Jesus) ay tinawag na Kalimatullah (Word of Allah). Created ba ang Salita ng Diyos o uncreated? Kung created, ibig sabihin may time na pipi ang Diyos niyo. Kung uncreated, meaning eternal and divine 'yan! Kung yung uncreated Word ng Diyos ay puwedeng maging libro (Quran) para sa inyo, bakit absurd na ang uncreated Word ay maging tao (Jesus) para sa amin?"

3. The Death of the Flesh:

"Sabi mo, hindi namamatay ang Diyos. True, the divine spirit doesn't die. Pero sa Islam ba, pag namatay ang tao, patay din ba pati ang kaluluwa niya? 'Di ba katawan lang ang namamatay at ang soul ay pumupunta sa kabilang buhay? Kung sa ordinaryong tao, katawan lang ang namamatay, bakit ipinipilit mo na 'namatay ang pagka-Diyos' ni Jesus noong pinatay ang physical body Niya sa krus?"

Kapatid, hindi tayo nag-aaral ng apologetics para lang manalo sa debate o mang-corner ng tao. Ginagawa natin 'to para basagin ang mga maling akala at i-point sila sa gospel. Bigyan mo ng solid na logic at tamang theology yung kausap mo, pero ibalot mo palagi sa grace ng New Covenant. Ipag-pray mo sila, engage them in real talk, and let the truth of the Incarnate God shine through you.

Wednesday, September 23, 2026

Part 2: "Contradiction" Daw sa Resurrection? Bakit Sablay ang Logic ng mga Muslim Apologists!



Kapatid, kapag nagbabasa tayo ng Gospels, huwag nating ituring na parang CCTV footage 'yan na iisang anggulo lang ang kuha sa eksaktong parehong segundo. Apat na magkakaibang tao ang nag-report niyan. Sa totoo lang, sa kahit anong husgado, kapag eksaktong-eksakto ang sinabi ng apat na witness word-for-word, ibabasura 'yan ng judge. Bakit? Kasi halatang scripted at nagkopyahan. 'Yung mga tinatawag mong "contradictions" ay normal na variations mula sa iba't ibang human perspectives na nagpapatunay na authentic ang testimonies nila.

Himayin natin 'yan gamit ang tamang exegesis at simpleng common sense.

Lalaki ba o anghel? Nasa labas o loob? Nakatayo o nakaupo?

Basic biblical literature lang 'yan. Sa Bible, angels naturally appear as human men (basahin mo yung dumalaw kay Abraham at Lot sa Genesis). Walang contradiction doon; anghel sila by nature, lalaki ang appearance. Tungkol naman sa posisyon nila, hindi naman naka-freeze frame ang eksena. Umupo ang anghel sa labas, sa ibabaw ng bato, para ipakita na bukas na ang libingan. Pagkatapos, pumasok ang mga babae at doon nila nakausap ang mga anghel. Nang kausapin na sila, doon na nangyari yung standing or sitting. Gumagalaw ang mga tao at anghel sa isang timeline. To ask "alin ba talaga?" is like expecting a 10-minute unfolding scene to just be one static photograph.


Nagsalita ba ang mga babae o hindi?

Sabi sa Mark 16:8, tumakas sila at "walang sinabi kaninuman." Kapatid, context. Wala silang kinausap habang tumatakbo sila pabalik kasi takot na takot sila. Pero pagdating nila sa kinaroroonan ng mga disciples, doon na sila nag-report (Luke 24:8-9). Temporary silence 'yon dahil sa gulat at takot. Hindi ibig sabihin na napipi na sila for life.


Nakilala ba ni Maria si Jesus at pinayagan ba siyang humawak?

Si Matthew ay nag-summarize lang ng pangyayari: nagpakita si Jesus, nakilala, at sinamba. Si John naman, nag-zoom in sa details ng mismong encounter. Noong una, madilim pa at umiiyak si Maria, kaya inakala niyang hardinero si Jesus. Pero the very next moment, nung tinawag siya sa pangalan niya, nakilala niya agad. Walang contradiction doon; na-skip lang ni Matthew yung 5-second delay bago na-recognize ni Maria si Jesus.

Tapos yung sa paghawak. Ang ginamit ni John sa Greek ay mē mou haptou. Ang tamang translation niyan ay "stop clinging to me." Ibig sabihin, nakayakap na si Maria sa mga paa ni Jesus, kaya siya pinatitigil! Nagma-match 'yan sa Matthew 28:9 na nakahawak siya. Pinatitigil lang siya ni Jesus sa pagyakap nang mahigpit kasi may misyon pa siyang dapat gawin. Yung "Oo at Hindi" na pinipilit mo, galing lang 'yan sa maling intindi ng Greek grammar.


Ilan ba talaga ang mga anghel?

Basic math. Kung may dalawang anghel (Luke), automatically, may isa (Matthew at Mark). Kung ikukuwento ko sa asawa ko na may kinausap akong pulis sa kanto, nagsinungaling ba ako kung may isa pang pulis doon na nakatayo lang at hindi ko kinibo? Iba ang omission (hindi pagbanggit sa isa) sa negation (pagsabing "isa lang at wala nang iba"). Walang verse na nagsasabing "isang anghel lamang."

Ngayon, i-turn the tables natin. I-apply natin 'yang strict, hyper-literalist logic mo mismo sa Quran. Uulitin lang natin ito baka nakaligtaan, kaya paulit-ulit lang na pata bang hindi natututo:

Paano nilikha ang tao? Sabi ng Surah 3:59, mula sa alikabok. Sabi ng Surah 15:26, putik. Surah 96:2, namuong dugo. Surah 19:67, mula sa wala. Surah 16:4, mula sa semilya. Ano ba talaga? Ang alikabok ba ay dugo rin? Ang 'wala' ba ay 'meron'?

Sino ang kumukuha ng kaluluwa ng namatay? Sabi sa Surah 32:11, iisang Angel of Death. Sa Surah 47:27, maraming anghel. Sa Surah 39:42, si Allah mismo. Isa o marami? Anghel ba o si Allah?

Pag kayo ang tinanong diyan, mabilis kayong sumagot ng, "Hindi contradiction 'yan! Stages of creation 'yan, tapos 'yung isa delegated authority ng Allah!" Ang galing, ano? Bigla kayong gumagamit ng common sense at reading comprehension para i-harmonize ang Quran. Pero pagdating sa Bagong Tipan na nag-shift lang ng camera angle o nag-compress ng oras ang writer, bawal nang gumamit ng logic at "contradiction" na agad? The double standard is staggering.

Bago mo ulit tirahin ang accounts ng resurrection, pagnilayan mo muna 'tong tatlong tanong:

1. Kung mismong Quran niyo bumabagsak sa baluktot at literalist standard mo, bakit mo ipinipilit 'yan sa Bagong Tipan?

2. Kung inimbento lang ng mga disciples ang muling pagkabuhay, bakit mga babae ang ginawa nilang first witnesses? Sa 1st-century culture, kalahati lang ang bigat ng testimony ng babae sa husgado. Kung gumagawa lang sila ng fake news para may maniwala sa kanila, sana mga lalaking sikat ang ginawa nilang bida. But they recorded it exactly as it happened—embarrassing cultural details and all. Bakit? Kasi 'yun ang totoo.

3. Paanong ang isang diumano'y "inimbentong kuwento" ay nagtulak sa mga duwag at nagtatagong apostol para biglang humarap sa torture, mapugutan ng ulo, at ma-crucify nang patiwarik nang hindi man lang bumabawi sa sinabi nila? Sino ang matinong tao na magpapakamatay para sa isang kasinungalingan na siya mismo ang nag-imbento?

Tuesday, September 22, 2026

Bakit Pumapalpak ang Paggamit ng Muslim Apologists sa Ecclesiastes 3



Medyo nakakatawa (at nakakalungkot) na paboritong gamitin ng ilang Muslim apologists ang Ecclesiastes 3:19-21 para "patunayan" na walang langit o kabilang buhay sa Bibliya. Classic case ito ng paghugot ng verse sa labas ng konteksto para ipilit ang isang narrative.

Kung titingnan mo nang maayos, heto kung bakit palpak ang argumentong 'yan at kung paano ito babalik mismo sa kanila.

Kailangan mo munang maintindihan kung ano ang ginagawa ni King Solomon sa book ng Ecclesiastes. Nag-oobserba siya ng buhay mula sa earthly perspective, yung madalas niyang tawaging buhay "under the sun."

Kaya nung sinabi niyang pareho lang ang kinahahantungan ng tao at hayop, he is absolutely right, pagdating sa pisikal na kamatayan. Pag namatay ang tao, tumitigil ang puso; pag namatay ang aso, ganoon din. Pareho silang ibabaon, parehong uuwi sa alikabok ("isang lugar"). Walang VIP treatment ang katawan natin sa sementeryo. Yun lang ang ibig sabihin ng "walang kalamangan." It's about physical decomposition, hindi spiritual destination.

At yung tanong na, "Sino ang nakakaalam kung ang espiritu ng tao pataas o pababa?" Hindi 'yan doctrinal statement. Rhetorical question 'yan ng isang taong naghahanap ng meaning of life base sa nakikita ng mata niya. Kasi nga naman, pag may namatay, may nakikita ba tayong kaluluwang lumilipad? Wala.

Ang malaking pandaraya ng mga Muslim critics na gumagamit ng argumentong ito ay ang paghinto nila sa Chapter 3. Sinadya nilang itago ang conclusion ni Solomon sa dulo ng libro. Kung babasahin mo ang Chapter 12, sasagutin mismo ni Solomon yung tanong niya: uuwi ang alikabok sa lupa, pero ang espiritu ay babalik sa Diyos para sa final judgment (v. 14). Paano magkakaroon ng ultimate judgment kung walang kabilang-buhay?

Gusto nilang basahin natin ang Bibliya nang putol-putol. Sige, gamitin natin ang logic nila sa mismong Quran.

Sabi sa Surah 21:98, lahat daw ng sinasamba bukod kay Allah ay magiging panggatong sa impiyerno. Alam natin na sinasamba ng mga Kristiyano si Jesus. So, ibig bang sabihin, susunugin si Jesus sa impiyerno?

Pag tinanong mo 'yan sa isang Muslim, magpa-panic 'yan at sasabihin: "Kapatid, out of context ka! Basahin mo ang verse 101. May exemption ang mga pinagpala ni Allah!

Boom. Exactly the point. Pag Quran nila, kailangan ng context. Pero pag Bible natin, okay lang na puputulin sa Chapter 3 para mag-imbento ng maling doktrina? That’s a massive double standard.

Para mas malinaw, heto ang tatlong tanong na puwedeng ibato pabalik para makita nila yung butas sa sarili nilang logic:

1. Kung corrupted ang Bible, bakit niyo ginagamit? Palagi ninyong sinasabi na binago na ang Bibliya, tapos gagamitin ninyo ang Ecclesiastes 3 bilang absolute truth para i-debunk ang heaven? Ano 'to, buffet? Pipiliin niyo lang yung gusto niyo, pero i-re-reject niyo yung Ecclesiastes 12 na nagsasabing may Judgment Day?

2. Literal ba talaga? Kung ipipilit niyo nang literal na walang pinagkaiba ang tao sa hayop base sa verse 19, sige. Papayag ba kayong ang mga aso at baboy ay pumasok sa mosque at mag-Hajj sa Mecca? O aaminin niyo rin na ang tinutukoy lang diyan ni Solomon ay yung pisikal na libingan natin?

3. Paano yung gulo sa Quran? Bago niyo problemahin ang bodily resurrection sa Bible gamit ang out-of-context verses, tingnan niyo muna yung gulo niyo tungkol kay Jesus (Isa). Sabi sa Surah 4:157, hindi namatay at hindi napako si Isa. Pero sa mismong Surah 19:33, sabi ni Isa: "Kapayapaan ay sumasaakin… sa araw na ako ay mamatay, at sa araw na ako ay ibabangong buhay!" Paano siya ibabangon muli (resurrected) kung hindi pala siya namatay?

Bottom line: Huwag tayong magpapadala sa mga cherry-picked arguments na hindi kayang panindigan ang sariling rules of interpretation.

Next time na may magbato sa'yo ng isang verse na parang iniba ang meaning ng buong Bibliya, huwag kang mag-panic. Basahin mo ang buong chapter. Basahin mo ang buong libro. Sanayin mo ang sarili mo na basahin ang Salita ng Diyos in its proper context, at makikita mong kaya nitong ipagtanggol ang sarili niya. Mag-invest ka ng oras sa tamang pag-aaral ng Bibliya ngayon.

Monday, September 21, 2026

The Resurrection of Christ: Hoax or History?




“And if Christ has not been raised, our preaching is useless and so is your faith... you are still in your sins.” 1 Corinthians 15:14, 17


Why does the physical resurrection even matter?

Look, if Jesus didn't actually, physically rise from the dead, Christianity is a joke. Paul spells it out in 1 Corinthians 15: without the resurrection, we’re wasting our time, and we're still dead in our sins. But because it's a historical fact, it proves Jesus is exactly who He said He was. It also officially kicks off the New Covenant. We aren't stuck striving under the old law anymore; we have real grace and forgiveness.

Even skeptical historians agree Jesus died by Roman crucifixion. The real question is: what happened on Sunday morning?

Did "Resurrection" just mean a spiritual feeling back then?

Not at all. In the first century, both Greeks and Jews knew exactly what the word anastasis meant: a physical body coming back to life. It didn't mean your spirit floating up to heaven, and it didn't mean a near-death experience where you eventually die again later.

Jesus ate broiled fish after He came back. People touched His scars. The disciples weren't expecting this they wanted a political Messiah to overthrow Rome. It took something undeniable to completely change their worldview.

Could Jesus have just passed out and woken up in the tomb? (The Swoon Theory)

Some critics say Jesus just fainted on the cross, woke up later, and walked out. Medically and historically, that’s impossible. The Romans were professional executioners. They didn't accidentally leave people alive.

Just think about it. A guy gets tortured, crucified, and stabbed in the chest with a spear. We're supposed to believe he wakes up in a cold tomb wrapped in 100 pounds of spices, pushes a 400-pound stone away from the inside, sneaks past elite guards, and walks seven miles to Emmaus? That’s like walking from here in San Jose del Monte all the way to Quezon City with pierced feet. And when He finally found His disciples, He would have looked like a guy who desperately needed an ER, not the glorified Lord of Life who would inspire them to start a global movement.

What if the disciples stole the body? (The Theft Theory)

The religious leaders actually started this rumor right away, claiming the guards fell asleep. But let's be real. That tomb was secured by a Roman seal and a highly trained guard unit. For a Roman soldier, falling asleep on duty meant execution. These guys weren't your local barangay tanods.

Plus, look at the disciples. When Jesus was arrested, they scattered. Peter was so terrified he lied to a servant girl about knowing Jesus. Are we seriously supposed to believe these hiding, terrified fishermen suddenly turned into a SWAT team, overpowered armed guards, stole a corpse, and then happily got tortured and killed for a lie they made up? People will die for what they believe is true, but nobody willingly dies for a scam they invented.

Did they just hallucinate?

When you're in a long-distance relationship, you miss the person so much you might swear you heard their voice or saw them in a crowd. Grief and longing can definitely mess with your head.

But the New Testament says Jesus appeared to individuals, small groups, and 500 people at the exact same time. Modern psychology has zero documented cases of a "group hallucination." You can't share a hallucination any more than you can share a dream. If it was just in their heads, the Jewish leaders could have just gone to the tomb, grabbed the body, and paraded it through Jerusalem to shut the whole thing down. But they couldn't. The tomb was empty.

What about that TV documentary about Jesus’ family tomb?

A while back, a documentary claimed a tomb in Talpiot held the bone boxes of Jesus, Mary Magdalene, and their "son." Archaeologists shut this down fast. The names on those boxes (Yeshua, Maria, Yosef) were incredibly common back then. It’s like digging up a modern cemetery here in the Philippines, finding headstones for "Juan," "Maria," and "Jose," and announcing you've found the Holy Family. Plus, Jesus’ family was poor. They couldn't afford a rich man's rock-cut tomb in Jerusalem. It’s TV ratings, not history.

So, what's the actual historical bedrock?

Strip away all the wild theories, and you're left with facts that even secular scholars can't easily dismiss:
The empty tomb was discovered by women. In the first century, a woman's testimony wasn't even accepted in court. If you were inventing a fake religion, you would never make women your primary witnesses. The Gospel writers included it because it's simply what happened.

A massive cultural shift happened overnight. Thousands of devout Jews suddenly stopped their strict Saturday Sabbath worship and started gathering on Sunday. You don't abandon centuries of deeply ingrained tradition without a massive catalyst.

Changed lives. James thought his half-brother Jesus was out of His mind. Paul was a Pharisee whose literal day job was hunting down and killing Christians. Both met the risen Christ, completely flipped their lives, and were martyred for it.

When you really look at it, the alternative theories take way more blind faith to believe than the resurrection itself.

The tomb is empty. He is risen. And because He lives, the Old Covenant of trying to earn your way to God is finished. We are under the New Covenant now, justified by grace, resting in His finished work, and totally secure in our salvation.

Part 1: "Fake Daw ang Resurrection? Bakit Sablay ang Banat ng mga Muslim Critics!"



Kaibigan, lumang tugtugin na 'yang mga "contradictions" na binabato ng mga Muslim apologists. Copy-paste na lang 'yan mula sa mga lumang debate ni Ahmed Deedat noong 1980s. Ang nagiging problema kasi sa kanila, sobrang literal nilang pagbasa at hindi nila naiintindihan kung paano gumagana ang totoong historical eyewitness accounts.

Isipin mo na lang: kung may apat na taong nakakita ng aksidente tapos exact copy-paste ang kuwento nilang apat sa pulis, 'di ba ang iisipin mo agad ay nagsabwatan sila para magsinungaling? Yung pagkakaiba ng focus ng bawat writer, 'yan mismo ang patunay na totoo at hindi scripted ang mga Gospels.

Himayin natin 'yung mga tanong nila.


1. Madilim pa ba o sumisikat na ang araw?

Common sense lang sa pagbiyahe ito. Hindi naman nag-teleport ang mga babae papuntang libingan. Sabi sa Juan 20:1, umalis si Maria "habang madilim pa." Habang naglalakad sila na may bitbit na mga pabango, siyempre, inabot sila ng oras. Kaya pagdating nila mismo sa puntod, sumisikat na ang araw (Marcos 16:2). Nag-umpisang maglakad nang madilim, nakarating nang may araw na. Walang contradiction doon; continuous timeline lang 'yan.


2. Si Maria lang ba o marami sila?

Sa pagsusulat ng history, kapag hindi mo binanggit yung iba, hindi ibig sabihin wala sila doon. Kung sinabi kong "Kumain kami ng misis ko sa Jollibee," ibig bang sabihin nagsisinungaling ako kung sa ibang kuwento ko sinabi kong kasama namin pati mga anak ko? Nag-focus lang si Juan kay Maria Magdalena kasi siya yung main character sa susunod na eksena kung saan magpapakita si Jesus. In fact, sa Juan 20:2, sabi mismo ni Maria Magdalena: "Kinuha nila ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!" Ginamit niya yung word na "namin" dahil alam niyang may kasama siyang iba; hindi lang inisa-isa ni Juan ang pangalan nila.


3. Bukas o sarado pagdating nila?

Pagdating ng mga babae, bukas na ang libingan sa lahat ng Gospel accounts. Yung nabasa nila sa Mateo 28:1-2, flashback lang 'yon ng narrator. Kinukuwento lang ni Mateo sa readers kung paano nabuksan yung bato bago pa man dumating ang mga babae, na lumindol at may bumabang anghel. Walang sinabi sa kahit anong Gospel na nadatnan ng mga babae na sarado pa yung bato at binuksan mismo sa harapan nila.


4. Lalaki o anghel? Isa ba o dalawa?

Una, sa buong Bible (at kahit sa Islam), kapag nagpapakita ang anghel sa lupa, lagi silang nasa anyo ng tao, specifically lalaki. Kaya normal lang na tawagin silang lalaki ng isang writer at anghel naman ng iba.

Pangalawa, kung may dalawang anghel (ayon kina Lucas at Juan), ibig bang sabihin walang isang anghel? Basic math: kung may dalawa, automatic may isa. Sina Mateo at Marcos ay nag-focus lang sa isang anghel,yung mismong nagsalita at nagbigay ng message. Kapag nag-focus ka sa main speaker, hindi mo dinedeny na may kasama siyang iba.


Ibalik natin ang table sa kanila.

Kung gagamitin natin itong parehong sobrang higpit at palpak na logic sa sarili nilang Quran, babagsak din ang Quran.
  • Saan gawa ang tao? Sabi sa Surah 3:59, gawa raw sa alikabok. Sabi sa Surah 16:4, sa sperm drop. Sa Surah 96:2, namumuong dugo. Sa Surah 15:26, putik. Tapos sa Surah 19:67, gawa raw sa wala (nothing). Ano ba talaga? Alikabok, dugo, putik, tamud, o wala? Siyempre, isasagot ng Muslim apologist, "Iba-ibang stages of creation 'yan, brad! Hindi yan contradiction!" Oh, eh bakit sa Bible hindi nila ma-apply yung logic na "different angles and stages"?

  • Sino ang kukuha ng kaluluwa mo pag namatay ka? Sabi sa Surah 32:11, isang anghel. Sa Surah 47:27, maraming anghel (plural). Sa Surah 39:42, si Allah mismo. Sino ba talaga, isa, marami, o ang diyos nila? Same exact issue ito sa mga anghel sa libingan ni Jesus. Kung ipapaliwanag nilang nag-utos si Allah ng isang anghel na may mga assistant, tapos ang usapan. Kung kaya nilang i-harmonize yung kanila nang walang iyakan, dapat kaya rin nilang intindihin ang Gospels.

Subukan mong ibato itong tatlong tanong sa kanila:

1. "Kung inimbento lang ng mga disciples ang kuwento para lokohin ang mga tao, bakit ginawa nilang mga babae ang unang saksi?" Sa kultura ng mga Judio at Romano noong 1st century, walang bigat ang patotoo ng mga babae sa korte. Kung gagawa ka ng fake news noon para paniwalaan ka, lalaki ang gagawin mong bida, si Pedro o si Juan. Ang tanging rason kung bakit isinulat nilang babae ang unang nakakita, kahit nakakahiya ito sa standards ng kultura nila noon, ay dahil iyon talaga ang totoong nangyari. Aaminin mo ba na kaya nila isinulat 'yan ay dahil hindi ito scripted?

2. "Sabi sa Quran (Surah 4:157), hindi raw totoong pinako si Jesus. Ginawa lang daw ni Allah na 'mukhang' si Jesus ang nakapako." Kung totoo 'yan, ibig sabihin si Allah ang pasimuno ng pinakamalaking panloloko sa kasaysayan. Naniwala tuloy ang mga tapat na tagasunod ni Jesus, pati ang nanay niya, at bilyun-bilyong tao na namatay Siya, kaya nag-umpisa ang Christianity. Bakit gagamit ng ilusyon ang diyos niyo para maligaw ang bilyun-bilyong tao palayo sa Islam sa loob ng dalawang libong taon? Hindi ba pinapalabas niyo na author of confusion si Allah?

3. "Sabi niyo, ang pagkakaiba ng detalye (kung ilang babae o ilang anghel) ay proof na peke ang Bible." Pero wait, kung scam lang itong Christianity at imbento lang ang kuwento, hindi ba't mas madaling mag-usap-usap na lang yung apat na writers para pagpare-parehuhin ang script para walang butas? Ang presensya ng iba't ibang anggulo, parang sa isang totoong aksidente kung saan yung isa nakita ang plaka tapos yung isa nakita yung driver, hindi ba 'yan mismo ang katibayan na totoong eyewitness accounts ito at hindi sila nag-sabwatan?






Friday, September 18, 2026

Nagsinungaling nga ba si Paul about kay Moses sa Acts 26:22-23?



The Muslim Challenge:

Sabi sa Acts 26:22-23, itinuro raw ni Paul ang mga sinabi ni Moses at ng mga propeta, na si Christ ay magdurusa at muling mabubuhay. Ang tanong nila: Saan po eksaktong sinabi ni Moises ito?


Paano Ba Talaga Magbasa si Paul?

Common na objection 'to, pero galing ito sa maling intindi kung paano gumagana ang Bible at Jewish literature in general.

Noong dine-defend ni Paul yung sarili niya sa Acts 26, hindi siya nagki-claim na nagbibigay siya ng word-for-word na quote mula kay Moses. Instead, nagbibigay siya ng thematic summary ng buong theology na sinulat ni Moses sa Torah.

Sa Jewish na pananaw, hindi lang by words nag-prophesy si Moses. Gumamit siya ng symbols, systems, at events (tinatawag nating typology). Kaya nung sinabi ni Paul na tinuro ni Moses na magdurusa ang Messiah, he was pointing to the very foundations of the Torah:
  • Genesis 3:15 (The Protoevangelium): Sinulat ni Moses tungkol sa "Seed of the Woman" na dudurog sa ulo ng ahas, pero masusugatan ang sakong niya (suffering before victory).

  • Exodus 12 (The Passover Lamb): Tinuro ni Moses na ang dugo ng walang kapintasang tupa ang magliligtas sa mga tao mula sa wrath of God.

  • Leviticus 16 (The Day of Atonement): Nag-set up si Moses ng system kung saan isang inosenteng substitute ang kailangang magdusa at magbuhos ng dugo for the forgiveness of sins.

  • Numbers 21 (The Bronze Serpent): Tinaas ni Moses yung ahas sa wilderness para sinumang tumingin dito ay gumaling at mabuhay.
Basically, sinasabi ni Paul, "Kung babasahin mo yung system na ginawa ni Moses, iisa lang ang tinuturo niyan: isang suffering Savior na tatalo sa kamatayan."


Yung Logical Fallacies sa Objection

Flawed yung approach ng Muslim skeptic dito. By demanding an exact quote, dalawang logical fallacies agad yung ginagawa niya:

1. Strawman Fallacy: Mine-misrepresent niya yung argument ni Paul. Never naman sinabi ni Paul na, "Eto exactly ang sinulat ni Moses." Inaatake nila yung claim na hindi naman ginawa ni Paul in the first place.

2. Category Error: Nalilito siya sa difference ng theological summary at ng direct citation. Parang nanood ka ng 3-hour movie about World War II tapos ang summary mo, "Sinasabi ng movie na babagsak din ang tyranny." Tapos may magtatanong, "Anong exact timestamp sinabi ng bida yung exact words na yan?!" Missed the whole point, di ba?

3. Turning the Tables: Yung Quranic Double Standard

Para makita ng Muslim challenger yung error sa logic niya, i-apply natin yung same standard sa sarili nilang holy book. Pag ginawa natin 'yan sa Quran, for sure magrereklamo silang unfair tayo.

Tingnan mo yung Surah Al-A'raf (7:157). Claim nito na makikita raw ng mga Jews at Christians si Muhammad sa sarili nilang scriptures:

"Those who follow the Messenger, the unlettered prophet, whom they find written in what they have of the Torah and the Gospel..."

Now, gamitin natin yung sarili nilang tanong: Saan po ito sinabi ni Moises?

Saan exactly sa Torah explicitly na-mention ni Moses na may darating na "unlettered prophet" from Arabia named Muhammad? Give us the exact chapter and verse.

Pag tinanong mo 'to sa isang Muslim, never silang makakapagbigay ng direct quote. Ang gagawin nila, tatakbo sila sa Deuteronomy 18:15 tapos sasabihin, "Nag-prophesy si Moses ng prophet like him, and we believe na yung thematic prophecy na 'to applies to Muhammad."

Teka lang. Pag sila gusto nilang hanapin si Muhammad sa Torah, okay lang gumamit ng thematic interpretation at broad summaries? Pero pag si Paul yung nag-summarize ng sacrificial system ni Moses na nagpo-point kay Jesus, biglang kailangan ng verbatim quote? Ang lala ng double standard.


The Mic Drop Questions

Kung ready ka nang sagutin yung Muslim challenger directly, use these three points para i-expose yung inconsistency nila.

Mic Drop 1: The Double Standard

"Bro, kung dine-demand mo sa akin na bigyan ka ng verbatim quote kung saan eksaktong sinabi ni Moses na 'Christ will suffer and rise,' then I demand the same from you. Bigyan mo ako ng exact chapter at verse sa Torah kung saan explicitly sinabi ni Moses, 'Follow the unlettered prophet Muhammad.' Kung wala kang maibigay na direct quote, hindi ba't nade-debunk mo yung sarili mong Quran (Surah 7:157) gamit yung sarili mong logic?"

Mic Drop 2: The "Ahmad" Dilemma

"Inaakusahan mo si Paul na nag-iimbento kasi walang mahanap na direct quote, pero tingnan natin yung sarili mong bakuran. Sabi sa Surah As-Saff (61:6), explicitly daw na nag-prophesy si Jesus ng messenger named 'Ahmad.' So tell me, saan exactly sinabi ni Jesus ang pangalang 'Ahmad' sa Gospels? Kung ang idadahilan mo ay na-corrupt ang Bible just to save your argument, hindi ba inamin mo na rin na wala ka talagang proof at gumagamit ka lang ng magkaibang rules?"

Mic Drop 3: The Divine Slaughterhouse

"Let’s be real. Kung yung buong animal sacrifice system ni Moses, yung Passover Lamb, at yung Day of Atonement ay hindi physical prophecy na nagpo-point sa suffering at resurrection ng Messiah… eh para saan yung lahat ng dugong dumanak na 'yon? Nagpatayo lang ba si Moses ng divine slaughterhouse for fun? Na-gets ni Paul yung assignment; bakit ikaw hindi?"


Featured Post for Today

Turuan Natin si Ka Rashid: "False Prediction ba ang 1 Tesalonica 4:16-17?"

Normal lang na marinig natin ang ganitong batikos mula kay Ka Rashid, isang Muslim apologist na naghahanap ng butas sa Bibliya. Pero kapag s...