Kapatid, kapag nagbabasa tayo ng Gospels, huwag nating ituring na parang CCTV footage 'yan na iisang anggulo lang ang kuha sa eksaktong parehong segundo. Apat na magkakaibang tao ang nag-report niyan. Sa totoo lang, sa kahit anong husgado, kapag eksaktong-eksakto ang sinabi ng apat na witness word-for-word, ibabasura 'yan ng judge. Bakit? Kasi halatang scripted at nagkopyahan. 'Yung mga tinatawag mong "contradictions" ay normal na variations mula sa iba't ibang human perspectives na nagpapatunay na authentic ang testimonies nila.
Himayin natin 'yan gamit ang tamang exegesis at simpleng common sense.
Lalaki ba o anghel? Nasa labas o loob? Nakatayo o nakaupo?
Basic biblical literature lang 'yan. Sa Bible, angels naturally appear as human men (basahin mo yung dumalaw kay Abraham at Lot sa Genesis). Walang contradiction doon; anghel sila by nature, lalaki ang appearance. Tungkol naman sa posisyon nila, hindi naman naka-freeze frame ang eksena. Umupo ang anghel sa labas, sa ibabaw ng bato, para ipakita na bukas na ang libingan. Pagkatapos, pumasok ang mga babae at doon nila nakausap ang mga anghel. Nang kausapin na sila, doon na nangyari yung standing or sitting. Gumagalaw ang mga tao at anghel sa isang timeline. To ask "alin ba talaga?" is like expecting a 10-minute unfolding scene to just be one static photograph.
Nagsalita ba ang mga babae o hindi?
Sabi sa Mark 16:8, tumakas sila at "walang sinabi kaninuman." Kapatid, context. Wala silang kinausap habang tumatakbo sila pabalik kasi takot na takot sila. Pero pagdating nila sa kinaroroonan ng mga disciples, doon na sila nag-report (Luke 24:8-9). Temporary silence 'yon dahil sa gulat at takot. Hindi ibig sabihin na napipi na sila for life.
Nakilala ba ni Maria si Jesus at pinayagan ba siyang humawak?
Si Matthew ay nag-summarize lang ng pangyayari: nagpakita si Jesus, nakilala, at sinamba. Si John naman, nag-zoom in sa details ng mismong encounter. Noong una, madilim pa at umiiyak si Maria, kaya inakala niyang hardinero si Jesus. Pero the very next moment, nung tinawag siya sa pangalan niya, nakilala niya agad. Walang contradiction doon; na-skip lang ni Matthew yung 5-second delay bago na-recognize ni Maria si Jesus.
Tapos yung sa paghawak. Ang ginamit ni John sa Greek ay mē mou haptou. Ang tamang translation niyan ay "stop clinging to me." Ibig sabihin, nakayakap na si Maria sa mga paa ni Jesus, kaya siya pinatitigil! Nagma-match 'yan sa Matthew 28:9 na nakahawak siya. Pinatitigil lang siya ni Jesus sa pagyakap nang mahigpit kasi may misyon pa siyang dapat gawin. Yung "Oo at Hindi" na pinipilit mo, galing lang 'yan sa maling intindi ng Greek grammar.
Ilan ba talaga ang mga anghel?
Basic math. Kung may dalawang anghel (Luke), automatically, may isa (Matthew at Mark). Kung ikukuwento ko sa asawa ko na may kinausap akong pulis sa kanto, nagsinungaling ba ako kung may isa pang pulis doon na nakatayo lang at hindi ko kinibo? Iba ang omission (hindi pagbanggit sa isa) sa negation (pagsabing "isa lang at wala nang iba"). Walang verse na nagsasabing "isang anghel lamang."
Ngayon, i-turn the tables natin. I-apply natin 'yang strict, hyper-literalist logic mo mismo sa Quran. Uulitin lang natin ito baka nakaligtaan, kaya paulit-ulit lang na pata bang hindi natututo:
Paano nilikha ang tao? Sabi ng Surah 3:59, mula sa alikabok. Sabi ng Surah 15:26, putik. Surah 96:2, namuong dugo. Surah 19:67, mula sa wala. Surah 16:4, mula sa semilya. Ano ba talaga? Ang alikabok ba ay dugo rin? Ang 'wala' ba ay 'meron'?
Sino ang kumukuha ng kaluluwa ng namatay? Sabi sa Surah 32:11, iisang Angel of Death. Sa Surah 47:27, maraming anghel. Sa Surah 39:42, si Allah mismo. Isa o marami? Anghel ba o si Allah?
Pag kayo ang tinanong diyan, mabilis kayong sumagot ng, "Hindi contradiction 'yan! Stages of creation 'yan, tapos 'yung isa delegated authority ng Allah!" Ang galing, ano? Bigla kayong gumagamit ng common sense at reading comprehension para i-harmonize ang Quran. Pero pagdating sa Bagong Tipan na nag-shift lang ng camera angle o nag-compress ng oras ang writer, bawal nang gumamit ng logic at "contradiction" na agad? The double standard is staggering.
Bago mo ulit tirahin ang accounts ng resurrection, pagnilayan mo muna 'tong tatlong tanong:
1. Kung mismong Quran niyo bumabagsak sa baluktot at literalist standard mo, bakit mo ipinipilit 'yan sa Bagong Tipan?
2. Kung inimbento lang ng mga disciples ang muling pagkabuhay, bakit mga babae ang ginawa nilang first witnesses? Sa 1st-century culture, kalahati lang ang bigat ng testimony ng babae sa husgado. Kung gumagawa lang sila ng fake news para may maniwala sa kanila, sana mga lalaking sikat ang ginawa nilang bida. But they recorded it exactly as it happened—embarrassing cultural details and all. Bakit? Kasi 'yun ang totoo.
3. Paanong ang isang diumano'y "inimbentong kuwento" ay nagtulak sa mga duwag at nagtatagong apostol para biglang humarap sa torture, mapugutan ng ulo, at ma-crucify nang patiwarik nang hindi man lang bumabawi sa sinabi nila? Sino ang matinong tao na magpapakamatay para sa isang kasinungalingan na siya mismo ang nag-imbento?
APOLOGETICS BIBLE STUDY Q&A
Join the Conversation!
Looking for a place to ask tough questions, share insights, and learn more about apologetics and the Bible?
Come be part of the Apologetics Bible Study Q&A Forum on Facebook!
✅ Like the group to stay updated
✅ Share it with friends who love digging deeper into faith
✅ Jump in the comments and have real conversations with fellow members
This is your space to explore, discuss, and ask more questions in a relaxed, open environment. Everyone’s welcome to join the dialogue!
🔗 Apologetics Bible Study Q&A Forum

No comments:
Post a Comment