Translate

Total Pageviews

Thursday, August 27, 2026

Si Cristo ba ang Tunay na Diyos? Wasak ang INC(1914) doctrine dito!



Hello, mga kapatid! Pag-usapan natin ang isang lumang article mula sa Pasugo (September 1997) na isinulat ng sikat na INC debater na si G. Teofilo C. Ramos Sr. Kung napanood niyo na siya sa TV o sa mga debate, alam niyo na magaling siyang maghabi ng mga talata para palitawin na si Jesus ay "tao lamang" at hindi Diyos.

Pero kapag inilagay natin sa ilalim ng mikroskopyo ng historico-grammatical hermeneutics, tamang Greek exegesis, at sound logic ang kanyang mga argumento, makikita natin kung paano gumuho ang kanyang mga claims. Let’s do a quick "road-runner" apologetics, beep beep!, at ibalik natin sa kanila ang sarili nilang mga argumento.


Argumento 1: Ang Diyos ay Espiritu, si Jesus ay Tao (John 4:24 vs. John 8:40)

"Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan."(Joh 4:24 Tagalog AB)

"Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham." (Joh 8:40 Tagalog AB)

Ang sabi ni G. Ramos:
Ang Diyos ay Espiritu (John 4:24). Si Jesus ay umamin na siya ay tao (John 8:40). Wala raw sinabi si Jesus na siya ay Diyos at tao, kundi tao lang.

Logical Fallacy: False Dilemma (Bifurcation) at Strawman. Pinalalabas niya na kailangan mong pumili: Espiritu ba o Tao? Hindi ba puwedeng pareho kung pinag-uusapan ang pagkakatawang-tao (Incarnation)?

Teka muna, Kuya Teofilo. Kapag sinabi ko bang, "Ako ay isang guro," ibig sabihin ba hindi na ako "ama" o "Pilipino"? Noong sinabi ni Jesus sa John 8:40 na siya ay tao na nagsasabi ng katotohanan, he was asserting his humanity to the Jews who wanted to kill him. We orthodox Christians believe Jesus is 100% human! Pero does affirming his humanity automatically deny his deity?

Kung ganyan ang logic niyo, i-turn the table natin. Sa Hosea 11:9, sabi ng Diyos Ama, "Ako ay Diyos at hindi tao." Kung ang Ama pala ay hindi tao, paanong ang Tagapagligtas ninyo ay isang mere man? Sabi sa Isaiah 43:11, "Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas." Kung tao lang si Jesus, bakit niyo siya sinasamba at iniligtas kayo, eh si Yahweh lang ang Savior?

Cross-Examination: G. Ramos, kung si Jesus ay tao lang na walang divine nature, bakit sa John 8:58 (ilang verses lang pagkatapos ng John 8:40 na ginamit mo), sinabi ni Jesus: "Bago pa ipinanganak si Abraham, AKO NGA (Ego Eimi)"? Ginagamit ni Jesus ang banal na pangalan ng Diyos sa Exodo 3:14. Kaya nga siya binato ng mga Judio eh! Binabato ba ang tao dahil lang sa sinabi niyang tao siya? Hindi! Binato siya dahil inaangkin niya ang posisyon ng Diyos (John 10:33).


Argumento 2: Walang Laman at Buto ang Espiritu (Luke 24:37-39)

"Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin." (Luk 24:37-39 Tagalog AB)

Ang sabi ni G. Ramos: Nang mabuhay na mag-uli si Jesus, ipinakita niya na may laman at buto siya. Sabi niya, "Ang espiritu ay walang laman at buto." Kaya raw hindi siya Diyos.

Hermeneutics & Contextual Exegesis: Out of context na naman! Ano ba ang iniisip ng mga alagad sa verse 37? "Inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu (multo/ghost)." Takot sila! Kaya pinapakita ni Jesus na ang kanyang Resurrection ay bodily (pisikal), hindi siya isang multo (phantasma).

G. Ramos, naniniwala ba ang mga Cristiano na si Jesus ay nag-resurrect bilang isang invisible spirit? Hindi! We believe in the bodily resurrection. Ang tinutukoy ni Jesus dito ay ang kanyang human nature na muling nabuhay.

Kung sasabihin mong dahil may laman at buto siya kaya hindi siya Diyos, paano mo ipaliliwanag ang Colosas 2:9 na pilit mong iniiwasan? Ang sabi doon, ang kapuspusan ng pagka-Diyos ay nananahan sa kanya nang bodily (sa Griego: σωματικῶς - sōmatikōs)! Naging laman ang Diyos (John 1:14). Kaya natural, may laman at buto ang katawan niya!


Argumento 3: Si Cristo ay Taong Tagapamagitan (1 Timoteo 2:5)

"Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus." (1Ti 2:5 Tagalog AB)

Ang sabi ni G. Ramos: Tiniyak ni Pablo ang kalagayan ni Cristo: Siya ay taong Tagapamagitan.

Greek Exegesis: Ang salitang Griego para sa tagapamagitan ay μεσίτης (mesitēs). Sa ancient world, ang isang mesitēs ay kailangang maging representasyon ng parehong panig na pinagkakasundo niya. Para irepresenta ang tao sa Diyos, kailangan niyang maging perpektong tao (kaya sinabi ni Pablo na anthrōpos Christos Iēsous). Pero para irepresenta ang Diyos sa tao, kailangan niyang maging Diyos!

Cross-Examination to Absurdity: Kung si Jesus ay tao lamang (mere man), paano niya nagagampanan ang pagiging Mediator ng milyun-milyong miyembro ng INC na nananalangin nang sabay-sabay sa buong mundo? Omnipresent ba ang isang ordinaryong tao? Nakakarinig ba ng panalangin ang isang "tao lang" na nasa langit? To mediate between the infinite God and billions of humans simultaneously, the Mediator MUST have divine attributes (omniscience and omnipresence). Boom! A mere man cannot save or mediate for the whole world.


Argumento 4: Ang Salita (Logos) daw ay hindi si Cristo? (Juan 1:1, 14)


"Nang pasimula, siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios." (Joh 1:1 Tagalog AB)

"At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan." (Joh 1:14 Tagalog AB)

Ang sabi ni G. Ramos: Hindi raw si Cristo ang nagkatawang-tao kundi ang "Salita". At ang salita raw ay tinawag na Diyos dahil lang sa makapangyarihan ang salita ng Diyos (tulad ng boses/utos).

Logical Fallacy: Redefinition & Non Sequitur. Ginamit niya ang Genesis 17:1 at Luke 1:37 para ibahin ang kahulugan ng "Salita" (Logos) sa Juan 1.

Greek Exegesis: Juan 1:1: "...kai theos ēn ho logos" (And the Word was God). Hindi sinabing "and the Word was powerful." Sinabi rin sa verse 2 na ang Salita ay "kasama ng Diyos" (pros ton theon - face-to-face intimacy). Ang isang boses o tunog ba ay may personal na relasyon (kasama/with)?

Tapos, sabi sa verse 14: "Nagkatawang-tao ang Salita." G. Ramos, kung ang "Salita" ay utos lang o boses, paano naging literal na laman at dugo ang sound waves? At sino yung naging laman? Hindi ba si Jesus? Kung ang Salita ay naging si Jesus, at ang Salita ay Diyos, therefore si Jesus ay Diyos na nagkatawang-tao. Simpleng silogismo na pilit iniiwasan!

Argumento 5: Ang Ama Lang Ang Iisang Diyos (Juan 17:1, 3)

"Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, "Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak." (Joh 17:1 Tagalog AB)

"At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo." (Joh 17:3 Tagalog AB)

Ang sabi ni G. Ramos: Sabi ni Jesus, ang Ama ang "iisang tunay na Diyos" at siya ay "sinugo." Ang nagsugo raw ay iba at mas mataas sa sinugo.

Kung ang salitang "iisa" (only/monos) ay strictly exclusive na nag-aalis kay Jesus sa pagka-Diyos, apply natin ang INC logic na iyan sa Judas 1:4: "na itinatanggi ang ating iisang Guro at Panginoon, si Jesucristo." (Gk: monon despotēn kai kyrion).

Cross-examination: G. Ramos, kung ang Ama lang ang iisang tunay na Diyos (meaning hindi Diyos si Jesus), ibig sabihin ba sa Judas 1:4 na si Jesus lang ang iisang Panginoon, therefore hindi Panginoon ang Ama? Absurd, right?

Ang Juan 17:3 ay naghihiwalay sa Yahweh laban sa mga false idols ng mundo, hindi nito pinag-aaway ang Ama at Anak sa loob ng Trinity. At tungkol sa pagsugo: Yes, functionally sa economy ng kaligtasan, ang Ama ang nagsugo. Pero ontologically (in nature), equal sila. Kung uutusan kita, G. Ramos, ibig sabihin ba hindi ka na tao tulad ko?

Karagdagang Exegesis sa Juan 17:5:

"At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinataglay sa iyo bago ang sanglibutan ay nagkaroon." (Juan 17:5)

Sinabi ni Jesus na mayroon na siyang taglay na kaluwalhatian kasama ng Ama bago pa likhain ang sanlibutan. Kung si Jesus ay hindi tunay na Diyos at isang nilalang lamang (mere creature), lalabas na nagkaroon ng idolatry sa langit bago pa man likhain ang mundo!

Bakit Idolatry Kung Tao Lamang Siya?
Sa Isaias 42:8, malinaw na sinabi ni Yahweh:

"Ako ang Panginoon; iyan ang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan."

Kung ang Diyos Ama ay hindi kailanman ibinibigay ang Kanyang banal na kaluwalhatian (divine glory) sa alinmang nilikha o "iba" (other), paanong taglay ni Jesus ang mismong kaluwalhatiang iyon bago pa ang sanlibutan?

Ito ay sapagkat si Jesus ay hindi "iba" sa kalikasan ng Diyos; siya ay kabahagi ng iisang Divine Nature/Essence ng Ama. Ang pagtataglay ni Jesus ng banal na kaluwalhatian kasama ng Ama bago ang sanglikha ay patunay ng Kanyang pre-existence at pagiging tunay na Diyos.


Argumento 6: Subordination (1 Corinto 15:27-28)

"Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya. At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat." (1Co 15:27-28 Tagalog AB)

Ang sabi ni G. Ramos: Si Cristo ay paiilalim sa Ama, kaya hindi siya maaaring Diyos.

Exegesis: Dito pumapasok ang difference ng Economic Trinity at Ontological Trinity. Sa plano ng kaligtasan, ang Anak ay kusang-loob na nagpasakop (Philippians 2:6-8) para tubusin tayo. Ang pagpapasakop (submission) sa posisyon ay hindi nangangahulugan ng inferiority sa nature. Ang asawang babae ay nagpapasakop sa asawang lalaki (Efe. 5:22). Ibig sabihin ba mas mababang uri ng "tao" ang babae? Hindi!

Cross-Examination: Tingnan mo nang maigi ang 1 Cor 15:27, G. Ramos. Sabi diyan, ang Diyos ay naglagay ng LAHAT ng mga bagay sa ilalim ng mga paa ni Cristo. Anong uring "tao lang" ang may kapangyarihang maghari sa buong uniberso, mga anghel, mga demonyo, at buong creation? Walang mere creature ang puwedeng humawak ng ganyang posisyon maliban sa mismong lumikha nito!


Argumento 7: Ang Colosas 2:9 daw ay "Maling Salin"

"Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman." (Col 2:9 Tagalog AB)

Ang sabi ni G. Ramos: Dahil sumasalungat daw ito sa paniniwala nila na tao si Cristo, "MALING SALIN" daw ang NPV.

Logical Fallacy: Begging the Question (Petitio Principii). Ang argumento niya ay: "Mali ang salin dahil hindi pabor sa doktrina namin." Hindi niya man lang sinuri ang original Greek text!

Pasok tayo sa Greek: Colossians 2:9 - "hoti en autō katoikei pan to plērōma tēs theotētos sōmatikōs"
  • katoikei: Dwells permanently (nananahan).
  • pan to plērōma: All the fullness (buong kapuspusan, walang kulang).
  • theotētos (from theotēs): Deity, Godhead, Divine essence. (Hindi ito theiotēs na divine qualities lang, kundi theotēs, which means absolute Godhood).

  • sōmatikōs: Bodily.
Kahit anong translation ang gamitin mo, NPV, King James, NASB, ESV, o kahit Tagalog Ang Biblia (TAB): "Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka-Dios sa kahayagan ng laman." Tama ang salin! Ayaw lang tanggapin ni G. Ramos dahil wasak ang theology nila kapag tinanggap nila ang malinaw na sinasabi ng text.


Call to Action & Conclusion

Mga kapatid, nakita natin kung paano pilipitin ng mga nagtuturo ng maling aral ang Kasulatan. Kapag inalis mo ang pagka-Diyos ni Cristo, inaalis mo ang kakayahan niyang magligtas. A finite human cannot bear the infinite wrath of God for the sins of the world. Only the God-Man, Jesus Christ, could do that on the cross.

Huwag tayong magpalinlang sa mga "cherry-picked" verses na tinanggal sa konteksto. Ang ating Tagapagligtas ay hindi lang basta tao; Siya ang "Dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesucristo" (Tito 2:13).

Sino ang mas pagkakatiwalaan mo sa kaluluwa mo? Isang nag-aangking "anghel" at sugo mula sa Pilipinas noong 1914, o ang Kordero ng Diyos na lumikha ng sanlibutan at nagkatawang-tao para bayaran ang kasalanan mo?

Trust in the true Christ of the Scriptures!

APOLOGETICS BIBLE STUDY Q&A

Join the Conversation! 

Looking for a place to ask tough questions, share insights, and learn more about apologetics and the Bible?

Come be part of the Apologetics Bible Study Q&A Forum on Facebook!

✅ Like the group to stay updated

✅ Share it with friends who love digging deeper into faith

✅ Jump in the comments and have real conversations with fellow members

This is your space to explore, discuss, and ask more questions in a relaxed, open environment. Everyone’s welcome to join the dialogue!

🔗 Apologetics Bible Study Q&A Forum


No comments:

Post a Comment

Featured Post for Today

Nagsinungaling nga ba si Paul about kay Moses sa Acts 26:22-23?

The Muslim Challenge: Sabi sa Acts 26:22-23 , itinuro raw ni Paul ang mga sinabi ni Moses at ng mga propeta, na si Christ ay magdurusa at mu...