Madalas ibato ng mga Muslim apologist na ang concept daw ng "Original Sin" ay inimbento lang ni Apostle Paul at hindi kailanman itinuro ni Jesus. Ang claim nila, sinira raw ni Paul ang totoong mensahe ng Bibliya. Pero teka, totoo nga ba 'yan?
Sa post na ito, iisa-isahin natin ang mga paborito nilang arguments para i-debunk ang Original Sin. At para sa fair play, sasagutin natin sila hindi lang gamit ang Bible, kundi gagamitin din natin ang mismong sources nila, ang Qur'an at mga authentic Hadith. Tara, himayin natin!-point
1. Strawman yung tanong na "Bakit tayo pinaparusahan dahil sa kasalanan ni Adam?"
Hindi naman 'yan ang sinasabi ng Roma 5:12. Basahin mo hanggang dulo: nag-spread yung kamatayan sa lahat dahil lahat ay nagkasala. Wala namang sinabi doon na pinaparusahan yung baby dahil sa crime ni Adam. Ang namana talaga natin ay death at corrupted na nature, hindi yung guilt ng mismong ginawa niya. Kay Christ ang solution diyan (Roma 5:18-19). Pinaghalo-halo lang kasi nila yung concepts ng guilt, consequence, at nature, kaya classic equivocation 'yan.
2. "Pinatawad na si Adam, kaya wala nang epekto."
Non sequitur 'yan. Kahit nga sa Qur'an, after patawarin si Adam (2:37), pinababa pa rin sila sa lupa (2:36; 7:24-25). May warning pa nga sa 20:117 na maghihirap siya. So yes, pinatawad na siya, pero may consequences pa rin. Ganyan din sa Bible: pinatawad si David (2 Sam 12:13), pero namatay pa rin yung bata (v.14). Hindi porke't forgiven ka na ay burado na rin yung consequence ng kasalanan mo.
3. Out of context yung pagkakagamit sa Mateo 19:14.
Ang main point ni Jesus diyan ay ang kaharian ng Diyos ay para sa mga katulad ng bata, which is all about humility o pagpapakumbaba (Mat 18:3-4). Wala Siyang sinabi na sinless o walang kasalanan ang bawat bata. Classic proof-texting 'yan at argument from silence. Remember, si Jesus din mismo ang nagsabi na sa puso nanggagaling ang masasamang thoughts (Mat 15:19), na ang ipinanganak ng laman ay laman (Juan 3:6), at ang gumagawa ng kasalanan ay alipin nito (Juan 8:34). Sa Luke 11:13 nga, tinawag pa Niyang "kayong masasama" yung mga listeners Niya. So hindi Niya kinontra si Paul; in fact, kinumpirma pa nga Niya.
4. Hindi nagkaka-clash ang Deut 24:16 at Roma 5:12; in fact, magkatugma pa nga sila.
Law kasi 'yan para sa court ng Israel: bawal patayin yung anak as punishment sa crime ng tatay niya. Kung titingnan sa NCT lens, Mosaic civil-judicial law 'yan, hindi 'yan explanation kung paano nag-spread ang death sa buong humanity. Sa mismong Torah (Exo 20:5; 34:7), clear din na may effect sa next generations ang kasalanan ng magulang. Walang inosenteng jina-judge as guilty, pero may consequences talaga na nagpa-pass down sa lahi.
Ang sabi sa Deut 24:16, "bawat isa ay mamamatay dahil sa sariling kasalanan," tapos sa Roma 5:12 naman, "namatay ang lahat dahil nagkasala ang lahat." Basically, same point lang ang sinasabi nila. False contradiction ito kasi pinaghalo nila yung konsepto ng judicial punishment at natural consequence.
5. "Jesus ba o si Paul?" False dilemma 'yan.
Wedge tactic lang nila para pag-awayin yung dalawa. Hindi 'yan totoong exegesis. Si Jesus mismo nag-affirm na totoong tao sina Adam at Eve (Mat 19:4-6), nagturo tungkol sa new birth (Juan 3:3-7), at mismong nagsabi na ang may sakit ang kailangan ng doctor (Mat 9:12). Si Paul naman, in-explain lang in detail yung parallel between Adam and Christ (Roma 5; 1 Cor 15:21-22, 45).
6. Self-contradicting sila.
Claim nila, corrupted daw ang Bible at sinira ni Paul. Pero wait, Matthew at Deuteronomy yung ginagamit nilang evidence. So sino ang nagde-decide kung alin ang legit at alin ang fake? Sila-sila lang? Yung logic na "Legit 'yan 'pag pabor sa akin, fake 'pag hindi" is basically circular reasoning at special pleading.
Tapos, isipin mo ito: sa Qur'an 5:47, inutusan ang mga followers ng Injil na mag-judge batay sa kung ano ang nakasulat doon. At sa 10:94, sinabihan sila na magtanong sa mga nagbabasa na ng Book bago pa dumating si Muhammad.
Ang catch dito, hawak na ng mga Christians yung letters ni Paul more than 500 years before Muhammad even came into the picture. So kung corrupted na talaga yung texts na 'yon back then, bakit doon pa sila pinapahanap ng guidance? Make it make sense, 'di ba?
Turning the table
Hindi ito para mang-asar, ha. Gamitin natin mismong sources at standard nila para fair.
- Bukhari 3431/Muslim 2366: Sabi rito, pagkapanganak pa lang, tina-touch na ni Satanas ang bawat anak ni Adam, except kina Maria at Jesus. Ibig sabihin, from the start pa lang, may issue na ang tao, at si Jesus lang ang exempted dito.
- Muslim 162: Binuksan daw yung chest ni Muhammad para tanggalin yung "part ni Satanas." Kung naturally pure at walang problema ang tao, bakit kailangan pa ng ganitong operation?
- Bukhari 4712/Muslim 194 (Hadith of Intercession): Sa Judgment Day, lalapit ang mga tao kay Adam para mag-intercede siya, pero tatanggi siya kasi guilty siya doon sa pagkain niya sa puno. Kung wala na palang epekto yung kasalanan na 'yon, bakit hiyang-hiya pa rin siya?
- Qur'an 40:55, 47:19, 48:2: Inutusan si Muhammad na humingi ng forgiveness para sa dhanb (sin) niya. Kung "born pure" ang lahat, bakit pati yung last prophet kailangan pang humingi ng tawad?
- Bukhari 3335/Muslim 1677: Bawat inosenteng pinapatay hanggang end of the world, may share daw si Cain sa dugo nila. Meaning, yung kasalanan ng isang tao, may ripple effect sa buong humanity. Basically, 'yan din ang point ng Roma 5.
- Qur'an 16:25 at 29:13: Dala-dala daw ng mga naligaw yung sarili nilang burden pati na rin yung burden ng iba. Paano nangyari 'yon kung ang sabi sa 6:164, absolute na walang magdadala ng burden ng iba?
- Muslim 2767: May mga Muslim daw na darating na kasing-laki ng bundok ang kasalanan, tapos gagawing ransom (fidā') yung mga Jews or Christians para sa kanila sa hell. Substitution 'yon, kaso hindi voluntary at inosente yung ipapalit. Tapos kay Christ, na kusang nag-offer ng sarili Niya (Juan 10:18; Isa 53), tayo pa yung tatawaging absurd?
Malamang ibabato nila yung hadith na every child is born in *fitrah* (Bukhari 1358). Ang sagot diyan: nasa same collection din yung hadith na "hawak ni Satanas." Saka yung fitrah doesn't necessarily mean "sinless". Sa Qur'an nga mismo, weak ang tao (4:28), walang patience (70:19), at yung nafs ay prone talagang mag-urge sa masama (12:53).
3 Mic-drop na tanong sa Muslim
1."Kung forgiven na si Adam at zero consequences na, bakit nandito pa rin tayo sa lupa, may Satanas pa rin na umaaligid, at namamatay pa rin tayo? At sa Bukhari at Muslim, bakit tatanggi si Adam na mag-intercede sa Judgment Day dahil sa sarili niyang kasalanan? Kung clear na ang lahat, bakit siya nahihiya sa harap ni Allah? Sino ba talaga sa atin ang may 'doctrine of Adam's sin?"
2. "Sabi niyo, walang puwedeng magdala ng kasalanan ng iba (6:164). Pero sa Muslim 2767, Jews at Christians ang gagawing ransom para sa kasalanan ng isang Muslim, kahit hindi naman sila nag-volunteer. Si Christ, walang kasalanan pero kusang-loob na nag-sacrifice ng buhay Niya. Alin ang mas unfair: yung inosenteng kusang nag-alay, o yung inosenteng pinilit na ipalit? Kung absurd para sa inyo yung una, ano na lang ang tawag sa pangalawa?"
3. "Sabi mo, sinira ni Paul at binago ang Bible. Pero kanina, Matthew at Deuteronomy yung ginamit mong evidence. Sino ang nag-decide kung alin diyan ang legit? Kung ang basehan mo lang ay 'legit 'pag pabor sa akin,' hindi na 'yan argument, personal bias na 'yan. Plus, inutusan ng Qur'an 5:47 ang mga Christians na mag-judge based sa Injil na hawak nila that time. Nasaan yung exact verse na nagsasabing corrupted na yung Injil na hawak nila? Bakit hindi 'yon sinabi ng Qur'an nang malinaw?"
Guys, 'wag nating gawing debate o payabangan lang 'to. Ang ultimate goal natin ay madala natin sila kay Christ. Ina-admit din naman ng Qur'an na may problema ang tao at kailangan natin ng forgiveness, kaso hindi nila ma-explain kung paano magiging perfectly just ang Diyos habang nagpapatawad. 'Yan eksakto ang sinasagot ng Gospel: "Ipinakita ng Diyos ang pag-ibig niya sa atin, dahil noong makasalanan pa tayo, namatay si Cristo para sa atin" (Roma 5:8). And always remember, approach with gentleness and respect pa rin, tulad ng reminder sa 1 Pedro 3:15.
APOLOGETICS BIBLE STUDY Q&A
Join the Conversation!
Looking for a place to ask tough questions, share insights, and learn more about apologetics and the Bible?
Come be part of the Apologetics Bible Study Q&A Forum on Facebook!
✅ Like the group to stay updated
✅ Share it with friends who love digging deeper into faith
✅ Jump in the comments and have real conversations with fellow members
This is your space to explore, discuss, and ask more questions in a relaxed, open environment. Everyone’s welcome to join the dialogue!
🔗 Apologetics Bible Study Q&A Forum

No comments:
Post a Comment